Advertisers

Advertisers

GMA MAY KUDETA BANG PINAPLANO SA KAMARA?

0 293

Advertisers

Maugong ang mga bulung-bulungansa loob at labas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso patungkol umano sa planong pagpapatalsik sa poder kay House Speaker Martin Romualdez.

Ilang grupo umano ng mga mambabatas na allied kay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo ang planong sipain bilang pinuno ng Kongreso si Romualdez na pinsang buo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang grupo umano ay pinamumunuan ni Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo,na dati na ring naging House Speaker makaraang mapatalsik si dating Speaker Pantaleon Alvarez,isang kilalang close ally ni former President Rodrigo Roa Duterte.



Sa pinakahuling squabble na nangyayaring ito sa Kongreso,iniulat na i-denemote agad-agad si GMA ng House leadership mula sa pagiging senior deputy speaker to plain and simple deputy speaker na lang.

Ayon sa ilang Congress insiders, reaksyon ito ng grupo ni Speaker Romualdez makaraang mabulgar ang planong kudeta laban sa liderato ni Speaker Romualdez.

Ayon sa mga ulat, pinamumunuan mismo ni GMA ang grupo ng mga mambabatas na nais patalsikin si Romualdez bilang House Speaker.

Si GMA rin mismo ang planong iupo ng mahigit sa isang dang (100) mambabatas bilang bagong House Speaker.

Ayon sa mga solons na identified kay GMA,weak ang leadership ni Romualdez na naging Speaker lang dahil sa pinsan ito ni PBBM.



Wala na umanong iba pang maipagmamala-king credentials si Romualdez except from being a presidential relative.

Ayon pa sa ating mga sources,si GMA na pangunahing arkitekto ng pagbuo sa powerhouse tandem nina BBM- Sara noong kasagsagan ng May 9,2022 national elections na nagtulak sa landslide win nina Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte noon ngang nagdaang halalan.

Dismayado umano ang grupo ni GMA na sa halip iupo at suportahan ni Bongbong Marcos ang speakership bid ni Arroyo ay ang pinsan nitong si Cong.Martin Romualdez ang sinuportahan and eventually naging House Speaker nga.

Salungat ito sa usapang si GMA ang ilalagay na lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kapag nanalo si BBM bilang sukli sa Pampanga solon sa pagsuporta nito kay Marcos at sa presidential bid nito.

Isa sa mga saksi sa usapang ito ay si VP Sara Duterte na kilalang matalik na kaibigan at kaalyado ni GMA.

Wala umanong Isang salita si PBBM na marami nang beses nitong ginawa sa mga kausap nito noong nagdaang halalan.

Dahil dito,hindi lamang ang liderato ng Kamara ang posibleng maaapektuhan dito kundi pati na rin ang usap- usapang impeachment na umano’y ikinakasa laban kay Bongbong Marcos.

Malaking isyu ito na sadyang nakakabahala sa taongbayan at sa mismong pamilya Marcos.

Pagnagkataon, magagaya si PBBM sa naging kapalaran ng amang si Ferdinand Edralin Marcos Sr. na napatalsik sa pamamagitan ng isang bloodless People Power Revolution noong 1986.

Lahat ng mga indikasyon patungkol sa nasabing senaryo ay nakaturo na sa iisang direksiyon.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com