Advertisers

Advertisers

RIGODON

0 150

Advertisers

ANO ang nangyayari sa naghaharing koalisyon sa Kamara de Representante? Nagbitiw si GMA bilang senior deputy speaker at kara-karakang pinalitan ni Dong Gonzales. Si Sara Duterte nagbitiw bilang kasapi ng Lakas-NUCD, isa sa mga lapian ng naghaharing koalisyon. May mga balita na sikretong tinangka ni GMA na palitan si Martin Romualdez bilang ispiker ng Kamara. Tahimik ang rigodon at natapos sa isang araw.

May kalaliman ang laro sa Kamara. Hindi natin alam kung may mga kasunod. May mga palitan kaya sa chairmanship ng iba’t ibang komite sa Kamara? Abangan ang susunod na kabanata sa Kamara. Maraming kuwento sa Kamara, ang sangay ng Kongreso na hindi nawawalan ng nakakagulantang na kuwento.

***



IPINANGANAK ako noong 1954 sa Kalookan na noon ay isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Wala akong masyadong alaala kay Dr. Jose P. Laurel kahit alam ko na siya ang pangulo ng bansa noong panahon ng pananakop ng mga Japon. Maraming ikinuwento sa akin ang aking lola at ina tungkol kay Dr. Laurel. Sila ang mga pangunahing pinanggalingan ng mga nalalaman ko tungkol sa dakilang nilikha na noon ay pinagbintangan na isang taksil sa bayan.

Kahit bago ako nag-aral ng ating kasaysayan noong elementarya, ikinuwento ng aking Lola Fely at Nanay Celia ang mga ginawa ni Dr. Laurel sa bayan. Wala akong paraan upang maberipika ang kanilang kuwento, ngunit pinakinggan ko upang matuto. Hindi masyadong nakapag-aral ang aking Lola at Grade2 ang kanyang natapos sa paaralan. Ikinatwiran niya na hindi mahilig magpaaral ng mga anak na babae ang mga magulang noong araw dahil sa katwiran na “sayang at mag-aasawa lang iyan.”

Nakasusulat at nakakabasa ang aking lola. Kahit sa huling sandali, nagpabili siya ng kopya ng kanyang paboritong pahayagan, ang Balita Ngayon. Hindi siya nagkaroon ng dementia hanggang pumanaw sa edad na 88. Hindi natapos ng Nanay Celia ang Grade 6 ng sumiklab ang digmaan sa bansa. Hindi na siya nakabalik sa pag-aaral nang matapos ang giyera dahil namatay ang aking Lolo Jose, ang kanyang ama. Pinatay siya ng mga sundalong Japon dahil sa hinala na isa siyang gerilya. Hindi nakita ng pamilya ang kanyang katawan mula ng kunin ng mga Japon sa bahay. Isa siyang desaparecido.

Walang sumuporta sa aking ina upang makabalik sa paaralan. Nagbabasa ng pahayagan sa Ingles ang aking ina. Kahit bago siya namatay, regular siyang bumibili ng kopya ng kanyang paboritong pahayagan, Philippine Star, at minsan tinanong niya ako kung bakit hindi ako sumama doon upang magsulat. “Hindi ko kapalaran,” iyan ang aking maikling tugon sa tanong.

Hindi ito ang kuwento ng dalawang babae sa aking buhay. Ang kuwento ay tungkol sa kanilang trato kay Dr. Laurel. Ayon kay Nanay Celia, hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Dr. Laurel na mukhang pagsisipsip sa mga Japon. Tinedyer na siya ng dumating ang mga mananakop na Japon at nasaksihan niya ang buong panahon ng digmaan. Hindi tinawag ng aking ina na isang “traydor,” o “taksil sa bayan” s Dr. laurel. Minsan ginamit niya ang salitang “collaborator,” ngunit nasa konteksto ito ng mga bintang kay Dr. Laurel sa pagtatapos ng digmaan.



Hindi nagbagsak ang aking lola at ina ng salitang “traydor” si Dr. Laurel sa paglalarawan sa kanyang papel noong panahon ng digmaan. Nabanaagan ko sa dalawang babae ang kanilang hindi naitagong paggalang kay Dr. Laurel.

Nalaman ko sa aking Nanay Cecilia na hindi pumayag si Dr. Laurel sa kagustuhan ng mga Japon na kalapin ang mga kalalakihang Filipino upang maging sundalo ng Japanese Imperial Army. Hindi pumayag si Dr. Laurel na magaya ang Filipinas sa mga kolonya ng Japon tulad ng Korea at Taiwan kung saan marami sa kanilang mamamayang lalaki ang ginagawang sundalo ng Japon at binigyan ng pangalang Japon.

Alam ni Dr. Laurel ang kanyang lugar sa kasaysayan. Nang naharap siya sa court trial dahil sa bintang na collaboration at nagdeklara si Manuel Roxas ng general amnesty sa lahat ng mga akusado noong 1947, kagyat na humarap siya sa bayan upang linisin ang kanyang pangalan. Pinangunahan niya ang Lapiang Nacionalista noong halalan pampanguluhan ng 1949 at nilabanan si Elpidio Quirino sa halalang itinuturing na isa sa pinakamarumi sa kasaysayan.

Kung ihahambing si Rodrigo Duterte kay Dr. Jose P. Laurel, napakalaki ng kanilang pagkakaiba sa uri g kanilang liderato. Hindi lang kakutsaba si Duterte sa China. Ipinamigay niya ang West Philippine Sea sa China at hinayaan ang mga Intsik na kunin ang ating yaman sa karagatan. Hindi lang siya traydor. Matatawag si Duterte na “taksil sa bayan,” at “Makapili.” Hindi ako mangingimi na ituro iyan sa aking mga anak at apo.

***

NAPAPAG-USAPAN rin lang si Duterte, itanong natin kung ano ang kinabukasan na haharapin ng kanyang anak na si Sara. Sa tingin naming, hindi mainam na kinabukasan dahil sira ang pangalang Duterte sa bayan. Nakatatak sa kanilang pangalan ang kataksilan sa bayan at ang pakikisabwatan sa China.

Hindi magaling si Sara sa pulitika at pamamahala. Nadala sa tunog ng pangalan kaya nahalal na pangalawang pangulo. Walang itinatagong galing sa maikli. Wala siyang napatunayan sa maraming usapin. Pinagtawanan si Sara dahil sa takbo ng katuwiran sa mga isyu na humaharap sa Deped.

***

MAY isinulat ang aming kaibigan Roly Eclevia. Pakibasa:

US or China?
neutrality is not an option

If war breaks out between the US and China, we will be drawn into it for sure, whether we like it or not.

In our part of the world, non-alignment is not an option. Neutrality will only send us to the death embrace of our enemy.

Filipino ultranationalists and their Communist Chinese handlers say the presence of American forces makes us a target of attack by the People’s Liberation Army. That may be so, but consider the alternative. Without US protection, the Philippines will be occupied by China at the first opportunity, particularly Cagayan and the Batanes island group, which are of strategic importance. From there it will be able to deny any outside assistance to Taiwan.

The Philippines will always have foreign military bases. The only question is, shall these bases be American or Chinese?