Advertisers
ITATAYA ng American fighter Will Chope ang kanyang Universal Reality Combat Championship (URCC) interim welterweight championship laban sa Filipino Brian Paule sa main event ng “URCC 85: sa DD Night Club sa Quezon City sa Hunyo 2.
Para kay Chope’ higit pa sa title defense. Pakay nyang makaganti nang matalo kay Paule anim na taon ang nakaraan.
“It is nice to win against him because I get to avenge my loss to him when we fought in an exhibition match in 2017,” Wka ni Chope, na hawak ang 41-19 record.
Gaya ni Chope, Paule ay namulaklak sa mixed martial arts (MMA) since that bout, ngayon ay may rekord na 8-1.
“I will get the interim title from him for sure,” Sambit ni Paule . “It’s a mission on my part to get the title back for the Filipinos. URCC title is for Filipino fighters. And I want to prove to anyone that I can beat him again.”
URCC, ang premier MMA organization sa Pilipinas, ay itinatag noong 2002 ni Filipino martial artist at Brazilian Jiu-Jitzu practioner Alvin Aguilar.
Sa preliminary fights, Rhyle Lugo vs Richard Lachica sa featherweight bout at Tokartzhy Ushqyn squares off kontra Dave Morata sa lightweight, habang ang bare-knuckle featherweight division ay maglalaban sina Gerard Sismundo at Dan Ascano.