Advertisers

Advertisers

Hiwalay na ba? Enrique nagulat nang malamang nasa Pinas si Liza at ‘di nagpasundo sa airport

0 168

Advertisers

Ni BETH GELENA

IBINULGAR ni Mama Loi na dumating umano si Liza Soberano sa bansa.
Ani Mama Loi sa Showbiz Update nila ni Ogie Diaz, “Alam mo ba? May nakakita kay Liza Soberano. Sumakay ng van. Dumating daw dito si Liza sa Manila, Nay. Dumating daw ng airport, sumakay ng van. Pero, hindi si Enrique Gil ang nagsundo.”
“Eh, may nakapag-chika sa akin Nay. Na kaya hindi si Enrique yung sumundo. Kasi di raw alam ni Enrique na darating si Liza. Nagulat pa raw si Enrique na nandito si Liza. Totoo kaya yun? Di raw aware si Quen na uuwi si Liza?” dagdag pa ni Mama Loi.
“Di ko na alam, wala na akong balita,” sambit naman ni Papa Ogs.
“Di ba usually ang naghahatid-sundo kay Liza si Quen?”
“Nasorpresa si Quen dahil sa ibang tao niya pa nalaman na nandito na si Liza.”
Sey naman ng isa nilang co-host na si Tita Jegs, “Sila pa ba?”
“I’m sure sila pa rin,” sagot ni OD.
***
SENYORA NAGKAMALI SA PAG-TAG IMBES SI BEA ALONZO SI BEA BINENE ANG TINAG
Nalokah si Bea Binene nang makita niyang tinag siya ni Senyora sa comment ukol kay Dominic Roque.
May mga pinost si Senyora contains photos showing a couple of Pop figures modelled on her and Dominic Roque.
Nilagyan niya ito ng caption: “Hala… baka magalit yung may farm sa Zambales! Kayo talaga! Gawan nyo pa kaya kami maraming ganito?? Haaay Dominic oh! Sabi ko sa kanila wag gumawa pero gusto talaga nila.”
Aniya pa, “Bea let me explain,” at saka tinag si Bea.
Ang kaso sa account ni Bea Binene naka-tag ang komento ni Senyora
Kaya sagot ng Kapuso aktres, “Hi Senyora! Ibang Bea po ata na-tag mo.”
Agad namang nagreak si Senyora, “Nalilito na ako haaay.”
***
MARYA AYAW PA-STRESS SA MGA MAY ATTITUDE NA BAGUHAN
Natanong si Diamond Star Maricel Soriano kung mayroon na bang baguhang artista na pinakitaan siya ng hindi kagandahang ugali. Ani Marya: “Nakakakita ako ng ganun, pero hindi ako ang ginanun. Kumbaga, nasaktan din ako. Habang pinanonood ko ‘yung eksenang ganu’n, “e bakit ako, hindi niya ba ako kilala? Hindi man lang nagbigay pugay”
Ayon sa beteranang aktres, ayaw niyang pa-stress sa ganoong klaseng tao o sitwasyon lalo na kung hindi naman niya kilala ang mga ito.
“Sinabi ko sa sarili ko na ayaw kong ma-stress sa ganyan. Number one hindi ko naman kayo kilala. Now if you come to me and tell me who you are, then I will entertain you. But habang in the meantime you are not coming to me and say hello, edi wala ka ring mapapala sa aking “hi,” sey ni Marya.
Ibinahagi niya ang nakagisnan noon bilang isa ring baguhang artista.
“Kasi ‘yun ang training namin e, nakagisnan namin ‘yon. Na magbigay pugay ka,” sey ng aktres sa interbyu ni Ogie Diaz.
Pero, kung ang mga baguhang ito ay marunong magpakilala bilang respeto, kakausapin at ie-entertain naman daw niya ang mga ito.