Advertisers

Advertisers

Isa sa suspek sa Degamo killing bumaligtad

0 128

Advertisers

BUMALIGTAD na ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam iba pa noong Marso 4 ng taon sa bayan ng Pamplona.

Nitong Lunes, Mayo 22, humarap si Jhudiel Rivero alyas “Osmundo Rivero” sa Department of Justice (DoJ) para panumpaan ang kaniyang kontra-salaysay at ‘affidavit of recantation’.

Ayon sa isa sa mga abogado ni Rivero na si Atty. Harold Montalbo, una na nilang hiniling sa DOJ Prosecutors na muling buksan ang pagdinig sa mga reklamong murder, frustrated murder at attempted murder laban sa kanilang kliyente.



Sinabi ng legal counsel na binawi na ni Rivero ang nauna niyang tatlong salaysay na umaamin ng kaniyang partisipasyon at nalalaman sa pagpatay kay Gov. Degamo.

Sa limang pahinang kontra-salaysay ni Rivero, sinabi nito na tinorture at pinilit lamang siya ng pulisya na ituro si Congressman Arnolfo Teves Jr. na siyang nag-utos na patayin si Degamo.

Binantaan din umano si Rivero ng mga pulis na kung hindi ito aamin ay ipapahamak ang kaniyang pamilya.

Dahil aniya sa takot ay sumunod nalang si Rivero kahit hindi niya kilala o nakausap si Teves.

Pinayuhan din umano si Rivero ng abogado mula sa PAO, na ibinigay sa kanya, na sumunod nalang sa mga gusto ng pulis.



Ayon pa kay Rivero, ipinaliwanag ng kaniyang pribadong abogado na labag sa karapatan nito ang ginawa ng mga pulis.

Inihayag pa ni Rivero na kinuha ang kaniyang pamilya noong Marso 8 at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ang mga ito.

Dating sundalo si Rivero at ikaapat sa mga nahuling suspek noong Marso 5 sa Bayawan City.