Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NATATAWA at pinagtatawanan na lang ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang ipinupukol sa kanyang intriga.
Sa pagsalang ni Sue Ramirez sa isang YT channel ng Cosmopolitan, naitanong sa actress kung ano nga bang mga ibinabatong intriga o isyu na kanyang ikinaloka.
Nangingiti si Sue na sinagot ang katanungan.
At kahit naman si Sue ay halos mabaliw sa pag-iintriga sa kanyang gender.
Ayon kay Sue ay naakusahan nga siyang tomboy, tibo, t-bird or tivoli.
Pero pagkontra ni Sue na walang katotohanan ang ipinupukol sa kanya.
Paglilinaw pa nito na babaeng babae siya at di tomboy.
Dagdag pa nito na bukod sa tsismis na tomboy ang actress ay naging dyowa pa raw nito ang kaibigan at kapwa artista na si Maris Racal.
Pagdidiin pa ni Sue na di nito type ang “kapwa ko, mahal ko.”
Pagmamalaki pa ng aktres na lalaki pa rin daw ang type niya.
Pagpapatunay pa nito na masaya anya siya sa piling ng dyowang si Javi Benirez.
***
Ria kapalit ni Pialago bilang MMDA
spokesperson
PASOK sa pagiging kwalipikado si Ria Atayde sa bilang spokesperson ng MMDA.
Inianunsiyo na nga ito ni Armando Artes sa page ng MMDA na si Ria na nga ang kapalitan ng dating Spokesperson na si Celine Pialago.
Naisumite na sa Palasyo ang mga dokumento para sa pag-appoint kay Ria.
Malaking puntos dito ang kursong kinuha ni Ria na Communications sa La Salle.
Dagdag pa ang kanyang pagiging celebrity.
Wala pa ngang reaksyon si Ria na kasalukuyang nasa Cannes para sa film na Toppak under Nathan Studios na pag-aari nina Sylvia Sanchez, Ria at Cong . Arjo Atayde. Congrats Ria!
Well, well, well… ‘Yun na!