Advertisers

Advertisers

BUKOL NI MAJOR KAY GENERAL! (PART 2)

0 1,163

Advertisers

Tumataginting na Php 25.6 milyon bawat buwan o Php 6.4 M bawat linggo ang kailangang bayaran ni Major Billy Joe sa Office of Regional Commander bilang winning bidder sa Region 4-A vice intelligence fund at para kumale ito at ang kanyang ang mga alipores ng limpak-limpak na salapi sa pangongolekta ng protection money sa lahat na ilegalistang nag-ooperate sa Region 4-A.

Bilang winning bidder naman may karapatan din si Major Billy Joe na pangasiwaan ang day to day operation ng lahat ng iligal sa nasasakupan ng R4-A (Cavite,Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Aba’y daig pa pala ni Major Billy Joe sa disposisyon ang RD4-A Director pagkat maiiutos din nito ang pagpapa-raid sa alinmang kuta ng illegal vices tulad ng rebisahan ng STL-con juteng, PnB-con jueteng, EZ 2, loteng, pick 3, pergalan (perya at sugalan) paihi, illegal logging at iba pang kailigalan sa buong rehiyon.



May kapangyarihan din si Major Billy Joe sa pagpapatigil ng operasyon ng sinumang operator ng illegal vices pati na ang pag-aalis sa pwesto ng sinumang provincial director, city/municipal police chief sa limang lalawigan ng CALABARZON area.

Mapapakilos din ni Major Billy Joe ang lahat na operating unit sa PNP Region 4-A Offices para magsagawa ng police raid laban sa mga di tumutupad sa obligasyon o hindi nakakapaghatag ng protection money sa kanyang mga itinalagang “kapustahan” (tong kolektor) sa lalawigang nasa hurisdiksyon ng R4-A.

Kaya naman nagmimistulang tutang bahag ang buntot kay Major Billy Joe ang mga Provincial director na sina Col. Pedro Soliba ng Batangas, Col. Ray Glenn Silvio ng Laguna, Col. Dominic Baccay ng Rizal, Col. Christopher Olazo ng Cavite at Col. Ledon Monte ng Quezon? Resulta nito naging full-blast ang operasyon ng lahat na uri ng illigal vices sa hurisdiksyon ng mga nabanggit na PDs.

Sa Batangas ay may nag-ooperate na humigit-kumulang sa 100 STL-con jueteng operator, 15 na sakla den, tatlong paihian o burikian, patulo, pasingaw at paawas, at 20 illegal van terminal ngunit ang pinaka-grabe ay ang regular na operasyon ng mga smuggler na nagpupuslit ng imported petroleum at oil product mula sa Malaysia, China at Russia papasok sa Batangas City Port at iba pang mga daungan sa Batangas na nagpahina sa lokal na petroleum industry at lalong nagpalala sa krisis ng petrolyo sa bansa.

Kahit na lantaran ang operasyon ng mga labag sa batas na pinagkikitaang ito, tila inutil naman, di nasasawata ni Batangas PD Col. Soliba lalo na ang STL-con jueteng at STL-con droga sa Tanauan City, kung saan kumukubra ng weekly payola si Major Billy Joe ng Php 1.5 sa mga drug/ gambling operator na sina Ocampo- Bagbag; Dimapilis- Pantay na Matanda; JR Biscocho aka Kap Ambo- Brgy 7; Lito- Poblacion; Gerry-Balele; Ms. Bagsic- Trapiche; Ablao; Melchor- Darasa; Kon Burgos- Pantay na Matanda; Kon Perez- Poblacion; Kap Mario- Pantay na Matanda at Pantay na Bata at Ka Teryo na bukod sa bookies operator ay may paihian, burikian at pasingawan pa ng petroleum product sa Brgy. Loyus at Brgy. Banadero.



Ang iba pang Tanauan City based drug/gambling maintainer ay sina Rodel- Sambat; Emil; Angke; Lawin; Cancio; Berania; Dama- Ulango; Dexter; Ms Lilia; Ms Cristy; Ms Annabel; Ms. Donna at iba pa.

May Php .6M ding intelhencia na kinokolekta si Major Billy Joe mula sa sakla den sa Brgy. Sambat sa bahay ng isang alyas Cesar Villestas, Gen. Malvar Street at Brgy. Payapa pawang sa Padre Garcia na inooperate ng magkasosyong Tisoy at Nonit.

Ang bawat isa sa tatlong burikian naman sa Brgy. Bulihan, Malvar, Brgy. Salong, Calaca at Lipa City ay tig Php 200,000 ang kinokolekta ding lingguhang protection money ni Major Billy Joe.

Si Major Billy Joe ay naging police chief sa Cavite hanggang natututunan nito ang vice tong collection business sa sugalan, STL-con bookies Perya ng Bayan (PnB)-con bookies, pergalan, saklaan, paihi, illegal logging, quarry at mining at iba pang labag sa batas na bisyo.

Unti-unti din napasok ng tusong police major ang pangongolekta ng intelhencia o lagay sa mga drug pusher bilang proteksyon para di sila hulihin ng kapulisan at iba pang awtoridad. Abangan ang kolek- tong ni Major Billy Joe sa Cavite.

***

Para sa komento: CP. No. 09664066144