Advertisers

Advertisers

Maine nanggulat sa movie premiere ni Arjo

0 119

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ISANG karakter na naman ang na-challenge na gawin ni Arjo Atayde, medyo na-miss na nga ng politician actor na makaganap sa harap ng kamera.
Isang psychopatic or isang psycho killer na ginampanan ni Arjo para sa bago nitong project na halaw sa 1996 film na Sa Aking Mga Kamay na pinagbidahan nina Christopher De Leon, Aga Muhlach at Chin Chin Gutierrez.
Inaral at nag-research nang husto si Arjo para maibigay ang tamang atake sa kanyang role.
Pumapatay ng manlolokong asawa ang tema ng pelikila.
Ini-expect ng utaw na busy si Maine Mendoza, ang fiance ni Arjo na namataan sa paglakad sa red carpet.
Gusto ng tao na after ng palabas ay masilayan ang beauty ni Maine at kung ano ang masasabi nito sa project ng bf.
Magaling daw ang pagkaka-portray ni Arjo sa kanyang karakter na ikinumpara pa ni Maine sa inang si Sylvia Sanchez na isang mahusay na aktres.
Everybody knows daw na all out support si Maine sa kanyang fiance.
***
AS of present time, ipinakita ni Jessy Mendiola ang kanyang vlog.
Dito ipinakita at ipinasilip ni Jessy ang anak na 3 months and 2 weeks pa lang.
Pero natuwa si Jessy dahil marunong na nga raw itong mag-rolling or magpagulong gulong.
Kaya di nga raw ito puwedeng ilagay sa kama at sofa na baka any moment sa paggulong nito ay mahulog.
Kita sa video ang katuwaan at pagiging proud ni Jessy sa kanilang panganay ni Luis Manzano na si Isabelle Rose Tawile Manzano o si Baby Peanut.
Sa caption nga ni Jessy sa kanyang vlog, best gift nga raw ang kanyang Baby Peanut.
Well, well, well… ‘Yun na!