Advertisers
Nasambit lang ni LeBron James ang pagreretiro dahil sa tatlong bagay.
Una ay dala yun ng kalungkutan nang ma-eliminate ng Denver sa Western Conference Finals. Sobrang sad ang 38 años na tubong Akron, Ohio dahil na 0-4 sila ng Nuggets. Nalulumbay lang ang 4-time MVP kasi gumawa na nga siya ng 40 points, 10 rebounds at 9 assists sa loob ng 48 minutes eh talo pa rin sila. Kaya nasabi niya ang pagtalikod sa career. Out of frustration baga..
Pangalawa ay isiniwalat ang plano kasi may nais siya na isakatuparan ng Lakers bago magsimula ang 2023-24 season. Ito ang kunin si Kyrie Irving sa free agency. Ang dating kakampi sa Cleveland ang gusto niyang kapakner sa backcourt. Oo bilang pangunahing pointguard ng L.A. Kung noon ayaw ni Rob Pelinka na lumipat sa kanila si Kyrie dahil kailangan may kapalit na mga draft pick. Ngayong summer wala na nga naman ang balakid na ito.
Kaso lang wala ng cap space ang prangkisa. Parang ganire ang plano na ipinahihiwatig kapag hindi siya pinagbigyan ay aayaw na siya sa game.
Naalis na nga ang malaking sahod ni Russell Westbrook na $40k plus bawa”t buwan nguni’t need nila ng pondo upang papirmahin ulit sina restricted free agents Austin Reaves at Rui Hachimura, mga tunay na maasahan ni Coach Darvin Ham.
Kalimutan na natin ang renewal ni D’Angelo Russell dahil sa taas ng suweldo nito na mahigit $30k kada buwan. Hindi sulit eh. Malabo naman ito pumayag sa salary cut.
Pero kailangan pabalikin din sina Dennis Schroder, Leonie Walker, Troy Brown at Wenyen Gabriel.
Malamang hindi na bargain ang presyo nila sa susunod. Eka nga ng GM eh keep the young core ng franchise.
Ayaw naman siguro na maulit ang panahon ni Westbrook na napunta na halos lahat ng pera sa Big 3 ng team. Hayun mga damatan o marginal na mga player ang nadagdag sa line-up.
Pangatlo ay strategy ito nina LBJ upang pag-usapan pa rin siya kahit wala na sa eksena ng NBA Finals. Diyan magaling ang Team LeBron na panatilihin siya sa news at usapan ng mga tao.
Siyempre kapag superstar ka dapat nasa conversation piece ka ng karamihan.
Si Tata Selo sang-ayon. Kaso pasok daw lahat ang mga tinukoy na mga dahilan. Wala naman daw conflict ang mga ito. Sa madali’t sabi eh oo depressed si James, may hiling siya sa Lakers at ibig niyang nasa sentro pa rin ng media.
***
Abangan sa Lunes si billiards Queen Rubilen Amit sa OKS. Mapapakinggan 4 -5 pm sa DWBL 1242 khz at mapapanood sa Facebook Live at You Tube. Co-host natin ang beteranong columnist na si Lito Cinco. Kararating lang ni Amit sa paglahok sa SEA Games sa Cambodia. Ito rin simula ng OKS Sports tuwing huling Lunes ng bawa’t buwan.