Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BINATA raw ang status ngayon ni gormer Governor Chavit Singson na ready to mingle.
Dahil nga single ulit ay naghahanap ba raw ito ng bagong makakaulayaw.
Naitanong at nabanggit din ang mga artistang na-link kay Chavit.
Ito nga ay sina Pops Fernandez at Vina Morales.
Pero agad itong itinanggi ni Chavit.
Sey ng malapit sa ex-Gov ay malalapit lang na mga kaibigan sina Pops at Vina na tinutulungan anya niya kapag humingi ng tulong.
Naungkat din ang namesung ni Yen Santos na naugnay kay Chavit.
Hindi diretsong sinagot pero itanong na nga lang daw kay Paolo Contis, ang kasalukuyang boyfriend ni Yen.
Nabitin tuloy ang mga Maritess sa sagot ng dating pulitiko.
***
HINDI aware si Joshua Garcia na ikinumpara na siya kay John Lloyd Cruz.
Knowing naman natin na mahusay sa pag-atake sa aktingan ang ex-bf ni Julia Barretto.
Kaya naitanong kay Joshua kung alam ba nito na napag-uusapan na nina Julia at bf nito na si Gerald Anderson ang kasalan.
Sabi naman ni Joshua, wala raw siyang alam na may ganun na silang usapan.
Patotoo pa ni Joshua na simula nung pandemic ay wala na silang communication ng ex-gf.
Pero if ever daw na papunta na ang ex sa panibagong chapter ng buhay nito ay happy si Joshua.
Sabay kambyo na nasa isip pa rin daw nito ang ex gf if ever na gagawa muli sila together ng isang project.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Joshua na gusto pa rin niya makasama si Julia sa projects.
Well, well, well… ‘Yun na!