Advertisers
Ni JULIE E. BONIFACIO
MOMENTOUS sa showbiz industry ang pagsasanib pwersa ng GMA7 at ABS-CBN2 na dating magkatunggaling TV networks sa inaabangang drama series titled “Unbreak My Heart.”
Sa pakikiisa rin ng streaming platform at ang naghatid ng magagandang drama series sa ABS-CBN noon at ngayon, ang Dreamscape Entertainment, naisakatuparan ang isang impossibility.
Ang “Unbreak My Heart” ay pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia. Five weeks nag-shoot sina Jodi, Joshua, Richard at Gabby sa Switzerland.
Sa mediacon ng “Unbreak My Heart” ay natanong si Jodi on her reaction being the lead star ng first collaboration ng GMA7, ABS-CBN, Dreamscape and Viu.
“I feel grateful, honored and blessed to be part of this project. And I would like to thank everyone who made this beautiful impossibility possible. To ABS-CBN and GMA, and of course, to Viu who will provide us uh, streaming platform strengthening and showcasing Filipino talent worldwide. So, ‘yun po. I feel honored and very proud I’m part of this,” sabi ni Jodi.
Magsisimula nang mapanood sa GMA Telebabad, 11:25 pm on GTV sa Lunes, May 29. Also available on GMA Pinoy TV and TFC. It will also stream 48 hours before its TV broadcast in the Philippines on GMANetwork.com and iWantTFC, as well as in 16 territories outside of the Philippines on Viu simula noong Sabado, May 27.
Ngayon pa lang ay inaabangan na ang maiinit na eksena sa “Unbreak My Heary” kabilang na ang kissing scene nina Jodi at Joshua.
“Nag-prepare kami,” sagot ni Joshua.
“Dumaan kami sa sensuality workshop. And then, doon namin sinabi ‘yung mga limits namin, ‘yung boundaries kung hanggang saan lang ‘yung kayang ibigay, at ‘yung direktor ang tumahi noon para sa amin.
“Uhm, actually, akala ko sobrang hirap niya. Pero, I think, dahil doon sa tiwala na binigay sa akin ni Ate Jodi at sa alaga nina Direk Manny (Palo) at Direk Dolly mas maging madali ‘yung eksena.”
Binasa naman ng host sa mediacon na si Robi Domingo ang ipinadala naming question for Joshua on his craziest thing you did nu’ng mabigo siya sa pag-ibig.
Hindi agad nakasagot si Joshua at natawa lang muna siya.
“Base sa natatandaan ko, kailan ba ‘yung last ko,” pagre-remind ni Joshua sa sarili.
“Nag-pandemic kasi noon, e. So, nu’ng time na ‘yun, craziest thing ‘yung feeling ko inaabot ako ng dalawang araw sa computer ng walang liguan. Crazy ‘yun, ‘di ba?
“Walang tayuan ‘yun,” diin niya.
“Pero ‘di ba may ganoon talaga lahat ng tao just to cope doon sa nararamdaman niya. And uh, ‘yung computer nakatulong sa akin. It’s an escape for me. Ayun.
“But actually, hindi pala siya nakatulong. Kasi naging escape siya sa nararamdaman ko.
Nu’ng nagsawa ako sa computer, mas doon ko naramdaman lahat. Doon ko nai-process lahat. Doon ko inunbreak ang heart ko.”
Lastly, nag-comment din ang isa sa dalawang direktor ng “Unbreak My Heart,” si Direk Emmanuel Palo, in what makes this series the right story for the first collab ng GMA7, ABS-CBN, Dreamscape and Viu.
Paliwanag ni Direk Manny, “Ang haba ng pinagdaanang proseso bago namin nabuo ang treatment ng kwento ng ‘Unbreak My Heart,’ ‘no. Kasi we really want this to be the first collab between tha two giant networks.
“We want the story to be really, really good, engaging, relatable and great. Kaya uh, ang tagal ng proseso sa pag-conceptualized pa lang ng kwento.
“And then, alam naman nating lahat ‘no, ang isa sa pinaka-paboritong kwento ng ating manonood ay isang love story. Kung titingnan natin, some of greatest shows and series revolve around couples who are in love, okay?
“So, what could be a better story than a great love story. So, ‘yun ang dahilan kaya nabuo ang ‘Unbreak My Heart,” sabi pa ni Direk Manny.
Si Dolly Dulu ang isa pa sa direktor ng UMH.
***
PATULOY ang misyon ng “Magandang Buhay” na ipaalala ang kagandahan ng buhay kasabay ng pagbibigay aliw at aral nito sa momshies, popshies, at anakshies sa pagdiriwang nito ng ika-pitong anibersaryo noong Mayo 29 at 30.
Siyempre, haping-happy ang anniversary celebration ng “Magandang Buhay” dahil nakasama nina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal ang Phenomenal Unkabogable star na si Vice Ganda.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-open up si Vice sa momshies tungkol sa kanyang buhay at love life.
Ikinuwento rin niya ang pagkakaroon ng bagong titulong “Your Memejesty, Queen VG,” na siyang pangalan din ng kanyang inaabangang concert sa darating na June 2.
Huwag palampasin ang “HA-PITO! The Magandang Buhay 7th Anniversary Special Celebration” sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWantTFC, at TFC.