Advertisers

Advertisers

Richard naiinsekyur na sa karakter ni Allen sa serye

0 286

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA Abot Kamay Na Pangarap na pinagbibidahan ni Jillian Ward bilang Dra. Analyn Tanyag, gumaganap si Allen Dizon bilang Dr. Carlos Benitez.
Kilalang film actor, ano ang fulfillment ni Allen kapag gumagawa ng soap opera?
“Siyempre maraming iba’t ibang character, iba -ibang role and let’s face it mas malaki ang kita sa TV dahil regular siya.
“Iyon ang fulfillment ng mga artista , may regular na trabaho.
“At mas malakas ang recall mo sa audience, yung familiarity ng mga tao kasi nakikita ka sa TV almost everyday.”
Lalo pa nga at sikat na sikat ang show nila.
“Kahit saan ka pumunta ngayon may nagpapa-picture sa ‘yo, tinatawag ka sa pangalan mo na Doc Carlos.”
Sa social media ay maraming komento na ang guwapo raw ng tatay ni Zoey.
Ano ang masasabi ni Allen tungkol dito?
“Siyempre di ba, parang iba rin yung napapansin yung, iyon nga napapansin yung itsura mo, yung dating mo, bagay na maging doktor, yung mga ganun.”
Biro naming muli kay Allen, nai-insecure na sa kanya si Richard Yap, ang gumaganap sa main male character ng Abot Kamay Na Pangarap na si Dr. RJ Tanyag.
“Hindi naman,” at tumawa si Allen.
“Actually napakasaya ng grupong Abot Kamay Na Pangarap.
“Napakasaya nilang kasama, para kang nasa bahay lang na kuwentuhan lang kayo, sabay-sabay kumain, nagti-Tiktok sila.”
Maging siya raw ay napa-Tiktok na rin sa grupo.
“Sumasama ako minsan-minsan, hinihila ako ni Zoey.”
Napasayaw rin siya?
“Sayaw na kung anu-ano lang,” at muling tumawa si Allen. “Hindi naman ako sumasayaw. Anak ko nga, lahat sila nagti-Tiktok ako ano lang… sumasayaw naman talaga ako, di ba, those were the days, yung sa Viva Hot Men, pero ngayon parang hindi na bagay.”
Samantala, co-owner at kasosyo na si Allen ng Wing Commander restaurant ni Jeff Besas.
***
SI Heart Evangelista ang celebrity endorser ng Zion massage chair na napakasarap at nakakarelaks gamitin.
“I’m super happy and super grateful. It’s just always important to be you know, to collaborate with a company or a brand that… I love advocating self-care, you know,” pahayag ni Heart.
“Self-care means maarte ka but maarte doesn’t mean negative, you know. You go through so much in life, you work so hard, I mean it’s really important to get as much as a tap on the back.
“Like a full massage, and I’m for that, I’m really for promoting, you know, self-care, really putting yourself first, I feel like, you know I’m really thankful that they’re giving me a chance to you know, have a voice in a sense to talk about you know, having a massage isn’t just vanity.
“It’s about health, it’s about health is wealth, it’s about taking a pause no matter what kahit madami tayong pinagdadaanan.
“Like for me, I do have my clothes, I have this beautiful flower on my neck,” pagtukoy ni Heart sa kanyang magandang kasuotan sa araw ng kanyang launch, “pero pagud na pagod din po ako madami din akong problema, normal na tao din ako and I think it’s important that you know, you put yourself first, always, without questions asked!
“So I’m so happy!”
Napakaganda, fresh at recharged si Heart at aminado siya na malaking bahagi nito ay dulot ng relaxation at therapy na dulot ng regular niyang paggamit ng Zion massage chairs
“Siya ang aking charger, honestly I really need it every night.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">