Advertisers
NOTHING BUT NET ang kanyang mga malalayong tikada sa basketball mula noon hanggang ngayon.Patunay ito ng kanyang mga record treys sa UNTV cage league kung saan ay umuulan ng tres mula rainbow territory bilang shooting guard ng Senate basketball team. Gayundin ang mga bulls eye niyang adhikain bilang isang lingkod -bayan ngayon.
Mistulang isang pukol mula sa halfcourt ang swak na halos pumunit sa net ng basketball rim ang pagpasok sa pulitika ng longtime executive assistant ng noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ni hindi siya dumaan sa pagiging konsehal, kapitan, alkalde, bokal, gobernador o kinatawan kundi sapul agad nito ang pagiging Mambabatas ng Mataas na Kapulungan.
Wala man sa hinagap ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Tesoro Go na magiging isa siyang alagad ng lehislatura na may bangkong higit 21 milyong boto at top 3 ang ranggo sa Senado na isang rainbow shot made in heaven.
Ang naging mitsa ng tadhana ni Sen.Go ay ang longshot na panalo bilang Pangulo ng bansa ni Mayor Duterte kung saan ay siya ang campaign sorties manager nationwide , kaya mula sa lokal na paglilingkod ay isang give and GO ang kanilang pag-angat sa serbisyong nasyunal .Hindi lang sa mga Davaoeños kundi sa Sambayanang Pilipino na ang aspeto.
Dahil may mga naglaway at nainggit sa kanyang posisyon bilang Little President o kanang kamay noon ay may mga pulitikong hinihila siya pababa pero sa halip ay nag-angat lalo sa kanya na umani pa ng simpatiya mula sa mamamayan dahil sa likas niyang ugaling kababaang loob ,pagiging totoo at angking karisma na minana pa niya sa kanyang angkan na printing magnate sa Davao mula Fil-Chinese ancestry.
Nangyari ang iginuhit nang tadhana. Ramdam na ng taumbayan ang pagtupad ng pangako mula nang mahalal siya noong nakaraang (2019) midterm election.
Buong bansa ay natutulungan na ng kanyang platapormang tinutupad na heathcare at social service program na tunay na MALASAKIT para sa bayan,higit noong panahon ng pandemya,repeal ng juvenile act law at mga batas para sa mga atleta ng bansa bilang pinuno ng Senate Committee on Sports tampok ang pagtatag ng Philippine National Academy in Sports (PNAS) para sa mga Pilipinong student athletes.
Beyond politics, si Senator Go ay isang masugid na entusiyastiko sa basketball.
Ang Management graduate ng De La Salle University na si Go ay naging manlalaro ng basketball habang nag-aaral dahil sa husay nito sa outside shooting at playmaking skills.
Nasaksihang personal ng reporter na ito noong tumikada si Go ng guwardiyadong 16 triples sa isang laro bilang licensed to shoot player ng Royal Mandaya Hotel / City Hall team katropa niya ang shooter ding si Glenn Escandor at noo’ y bisitang si Senator Alan Peter Cayetano teammates din ang homegrown cagers katunggali ang PBA Legends para sa torneong bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Dabaw noon
Ang mga rainbow shots ni Go ay natural skill at hindi tsamba lang. at pinatutunayan niya ito hanggang sa kasalukuyan. Dahilan sa superior na height ng ibang lahi kaya ipino-promote ni Sen .Go ang outside shooting na kayang ihasa ng Pinoy cagers panlaban sa international basketball scene.
Si SBG ay tunay na longshot ang tatahakin pang paglilingkod sa Sambayanan kaya tuloy lang ang pagiging asintado sa mga puntiryang umiskor ng tagumpay para sa bayan.GO…three points!!!