Advertisers
NAKIKIPAGTULUNGAN na ang Marcos administration sa International Monetary Fund (IMF) sa pagsasagawa ng pag-aaral na layong tugunan ang mababang value-added tax (VAT) efficiency sa bansa.
Ito ang inihayag ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang press briefing sa Malacañang matapos matanong media kung paano tinutugunan ng pamahalaan ang usapin.
Bagama’t ang Pilipinas ang may pinakamataas na VAT rate kumpara sa ibang bansa, sinabi ni Diokno na ang VAT collection nito ang pinakamahina o inefficient na nasa 40 percent lamang bunga aniya ng maraming exemptions o kadahilanan.
Bago aniya nagkaroon ng mga reporma sa pagbubuwis, ipinunto ng opisyal na ang tax code sa bansa ay maraming exemptions kung saan 56 lines of exemptions ang ilan dito habang 84 ang additional exemptions sa special laws.
Ayon kay Diokno, isa sa mga exemption na ito ay ang hindi pagbabayad ng buwis o VAT ng mga kooperatiba na isa aniya sa mga pinuna sa pag-aaral ng IMF.
Batay aniya sa datos mula 2016 hanggang 2020, nasa P723 bilyon lamang ang nakolekta ng Pilipinas mula sa VAT na 40 percent lamang sa inaasahang koleksiyon mula sa naturang buwis. (GILBERT PERDEZ)