Liza nakipag-break kay Enrique para sa Hollywood dream; Paolo nagreak sa engagement ni LJ sa non-showbiz bf
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MISMONG sa IG post ng celebrity mom na si LJ Reyes ay nagbahagi ito na siya ay engaged na with her non showbiz bf na si Philip Evangelista.
Kita sa larawan ang pag-proposed ni Philip ng kasal kay LJ.
Taong 2021 nang magpasya si LJ na sa New York manirahan at manatili nang maghiwalay na sila ng ex partner na tatay ni Summer na si Paolo Contis.
Kasama ang dalawang anak na sina Aki na anak nito kay Paulo Avelino at Summer na anak nito kay Paolo.
Ibinahagi ni LJ kung gaano siya kasaya na makakasama na niya for life si Philip.
Samantala, nakarating na nga sa kaalaman ni Paolo na engaged na ang ex na si LJ sa non showbiz bf nito.
Napa-react si Paolo at isa lang naman ang tinuran nito, deserved daw si LJ na maging masaya.
Wish ng netizens na ito na ang first at last love ni LJ.
***
HINDI nga lang loveteam ang nagiba kundi ang kanilang tunay na relasyon ay nasira na rin.
Usap usapan sa showbiz na hiwalay na sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Maraming espekulasyon ang naglabasan at mga kadahilanan ng kanilang hiwalayan.
Sinubukan pa nga raw ni Enrique na iayos pero sadyang di na puwede.
Nag ugat daw ito sa napakaraming dahilan, una na ayon sa tsika ay never naging proud at never man lang daw nabanggit sa interbyu kay Liza ang bf.
Dagdag pa na di pabor si Liza sa loveteam nito na isa nitong iniaangal.
At ang nakakawindang ay si Liza raw ang nakipag break dahil na rin sa Hollywood dream nito.
Marami tuloy ang nanghinayang sa kanilang 8 years na relasyon.
Well, well, well….Yun na!