Advertisers
HIRIT ng batikos ang maraming critics at bashers sa takbo ng top pro league na PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) na hindi na umano ganun ka-interesting ang liga. Dominated ito ng top giant firms sa bansa na SAN MIGUEL CORPORATION (SMC) ni Big Boss RAMON S. ANG at MVP GROUP OF COMPANIES ni business magnate MANNY V. PANGILINAN kaya dehado ang independent teams na solo franchise ang dala versus sister teams ng dalawang big groups.
Sa tagal ng PBA sa spotlight a nagsimula pa noong 1975, iba-ibang commissioner, teams, coaches, players at staff ang gumawa ng iba-ibang istorya, tulad naming sports scribes na suporta lang po sa liga at Sports industry, natural po ang changes at yun lang ang permanente, di ba, sabi nga ng popular line, “Nothing is definite but changes.’
Ang punto po, kahit anong batikos, PBA is on the go, patunay kung gaano kamahal ng Pinoy ang basketbol at kung gaano natin tinatangkilik ang Sports sa bansa. Palago nang palago ang industriya at mas tutok ang Pinoy sa pagtuklas pa ng mga bagong talento at mas kailangan ang iba-iba pang liga, to think na humihirit ang Pinoy athletes sa international arena.
Sa tagal na ng PBA, maraming player ang nakagawa ng magandang pangalan at nakapagtaguyod ng pamilya, so, precisely, patuloy ang inspirasyon. Sa mga bunton ng sikat at di gaanong sumikat na players, may mga ibang karera after PBA, tulad ng business at maliwanag pa sa sikat ng araw na nasa top ang pulitika.
CAGER-POLITICIANS, INSPIRING!
SILIPIN lang po natin ang ilang magagandang halimbawa at icons na going strong after PBA tulad nina Councilors JAMES YAP, PAUL ARTADI at DON ALLADO na successful cager- politicians sa San Juan City, NCR, after PBA life.
Si REY EVANGELISTA, ex-PUREFOODS star ay councilor sa Ormoc, Leyte, VERGEL MENESES, Mayor sa Bulacan, ROBERT ‘DODOT’ JAWORSKI, JR. Pasig City Congressman to Vice Mayor, una pa si Living Basketball Legend turned Senator ROBERT ‘ SONNY’ JAWORSKI with fellow cager-Senator FREDDIE WEBB, QC Councilor to Congressman FRANZ PUMAREN, ex-Caloocan Vice-Mayor TITO VARELA, from among others.
Simula lang po ito sa napakahabang listahan. Ano po ba sa unang tingin pa lang ang opinyon at basehan, ang stepping stone nila sa paglapit sa puso ng masa, di po ba ang popularidad nila sa PBA? So career does not end up after PBA for lucky cagers, more opportunities are at stake. Yet, aminin po natin, pangarap ng bawat budding cager, maglaro sa PBA. Extending support seems much better. So there!
SPECIAL CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to ANDREW ‘ANDY’ RIVERA ALEJO of Quezon City, to MAM EMILIA A. OBLIPIAS of AUPC and MARK ALVIN SAMSON of LAZARO FRANCISCO INTERGRATED SCHOOL, Cabanatuan City. Best blessings be with all of you, HAPPY READING!