Advertisers

Advertisers

Pacman nagpapagawa ng mansion sa GenSan sa halagang P2-B

0 229

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

AYON sa isang close friend ni former Senator Manny Pacquiao na si Madam Sarah Manilay, kahit daw magbayad ng $5.1 milyon or P281 milyon na halaga sa pera natin in Paradigm Sports Management for breach of contract.
Hindi mauubos ang kanyang pera sa dami niyang naipon at naipundar na properties
Sa ngayon nga raw ay nagpapagawa siya ng mansiyon sa GenSan na nagkakahalaga ng P2 billion na gagastusin sa lupang dalawang ektarya.
Napag-usapan nga namin sa SNN or Showbiz Now Na with tita Cristy Fermin and Rommel Chika, kung gaano kalaki ang floor area ng mansiyon na ito.
Sa tingin ko bago ka makapasok sa nasabing mansiyon kailangan mo pa gumamit ng E-bike or masasakyan man lang bago ka makarating sa main door ng nasabing bahay.
Dahil ang sukat ng 1 hectare is 10 thousand square meters, so 2 hectares iyon bale 20 thousand SqM. Isipin na lang natin kung gaano kalaki ang itatayo na mansiyon.
Sabi nga ni Madam Sarah, bukod sa may cash itong 8-time champion in boxing na nakatago sa kanilang tahanan, may mga pera pa siyang naka-time deposit sa iba’t ibang banko na hindi ginagalaw…Abaw Ah!!!
***
HUMARAP sa working press ang Reyna ng Vitamin C na si Yvonne Benavidez para isiwalat ang kanyang hinanakit sa taong nanloko sa kanya ng milyong piso.
Ayon sa CEO ng Mega C, malaking halaga ang hinahabol niya sa taong nanloko sa kanya na si Jesus Gianpaolo J. Martinez III, mas kilala sa tawag na Chucho.
Aabot sa pitong milyong piso raw ang halagang nakuha ni Mr. Chucho sa kanyang company na talagang hindi niya alam kung paano siya naloko.
Basta ang alam niya ipinakilala sa kanya ang taong nanloko ni Mr. Manny Calimba, kapatid ng kanyang business partner na si Jesus Calimba.
Ang sabi ng kapatid ng kanyang kasosyo, malaki raw ang maitutulong ni Mr. Chucho para lumago at umunlad pa ang kanyang negosyo, iyon pala may mga hidden agenda na itong gagawin.
Nabudol nga raw siya ng taong ito dahil pati ang property niya sa Ayala Alabang ay ito mismo ang nag-initiate para masangla sa bangko ng tumataginting na 120 milyong piso pandagdag sa puhunan ng kanyang negosyo.
Nag-file na siya ng complaint sa NBI or National Bureau of Investigation last year August of 2022, para panagutin si Mr. Chucho sa mga panloloko sa kanya.
Sa ngayon, gusto ni Madam Yvonne na ibalik sa market ang kanyang business dahil marami ang naghahanap at ang iba tumatawag pa sa kanya kung available pa raw ang Mega C.
Pero bago ang lahat naghahanap siya ng bagong endorser para maging bongga ang pagbabalik ng Mega C at ang gusto niyang kunin ay si Sharon Cuneta after Kuya Boy Abunda…Abaw Ah!!!