Advertisers

Advertisers

Spoelstra, may bagong play sa Game 1 ng Miami vs Nuggets

0 119

Advertisers

MAY pinaplano na bagong play ang Miami Heat head coach Eric Spoelstra bago ang nakatakdang laban sa Denver Nuggets.

Ito ay bilang tugon sa magandang play ng Nuggets na siyang paboritong mag-uwi sa kampeonato ngayong taon.

Ilan sa mga maaaring gawin dito ni Coach Spo ay ang paggamit o pagbabad sa ilang mga bench players ng Miami.



Maari ring magamit na ng Miami ang kanilang shooter na si Tyler Herro, matapos ang mahabang panahon na pagpahinga nito mula sa injury.

Maliban dito, maaari rin umanong tumbasan ni Coach Spo ang diskarte ni Nuggets head coach Michael Malone na paggamit lamang ng mula pito hanggang walong players sa kabuuan ng game.

Maalalang sa huling limang paghaharap ng dalawang koponan ay hindi pa nananalo ang Heat sa Denver simula noong 2020.