Advertisers
PANAWAGAN ni Asia’s first GM Eugene Torre sa mga kabataan na piliing maglaro ng chess kesa sumubok sa anumang bisyo.
Sa kanyang pagbisita kaugnay ng “Isulong Mo with GM Eugene Torre and IM Angelo Young” simultaneous chess exhibition matches sa E. Rodriguez Jr. High School, ipinahayag ni Torre ang kahalagahan ng paglalaro ng chess ng nga kabataan upang magkaroon ng mga mabuting pananaw sa buhay.
“Life is like a game of chess. You always have to make the right moves and follow the rules. If you fail, you get up and try again,” pahayag ni Torre, a gumawa ng kasaysayan bilang unang Asian grandmaster dahil sa kanyang mahusay na paglalaro World Chess Olympiad sa Nice. France nung 1974.
Ipinaalala din ni Torre, na magiging 71 taon gulang sa darating na Nobyembre, sa mga estudyante ng nasabing paaralan na laging sundin ang three kings sa buhay: spiritual king, mental king at physical king. (Danny Simon)