Advertisers

Advertisers

Ice ‘di ipinaalam sa misis na si Liza na nakipaghalikan kay Romnick sa serye

0 128

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA digital series na Drag You & Me, may kissing scene sina Romnick Sarmenta at Ice Seguerra. Hindi ‘yun ipinaalam ni Ice sa kanyang misis na si Liza Dino.
Ang nasabing serye ang comeback acting project ni Ice makalipas ang ilang taon kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Jam, ang transman na asawa ni Romnick na isa namang drag queen. Sila ang parents ng karakter ni Andrea Brillantes sa serye.
“Actually sobrang excited ako kasi it’s been a while since I had an acting role. Kung hindi ako nagkakamali, Be Careful With My Heart na napakatagal nang panahon hindi ba?,” sabi ni Ice.
***
TOTOO kaya itong nakarating sa amin na noong minsang magkaroon ng show sa malayong probinsiya itong bida sa aming blind item na si hunk actor, nakipag-dyugdyugan siya sa dalawang babaeng foreigner? At sabay umano siyang nakipag-sex sa mga ito, huh! Nag-orgy sila.
Ayon sa aming reliable source, after ng show ni hunk actor, niyaya siya ng promoter ng show na gumimik.
Sa isang bar na napuntahan nila, lumapit sa kanya yung dalawang foreigner, nakipagkilala sa kanya ang mga ito. Napansin kasi na gwapo si hunk actor. Hindi alam ng mga ito na isa siyang artista.
After makipagkilala, hiningi nung isang foreigner ang number ni hunk actor. Ayun na, noong umalis na siya sa bar at pumunta na sa hotel na tinutuluyan niya, nakatanggap siya ng tawag mula sa foreigner na kumuha ng kanyang number. Nakikipagkita sa kanya ito at kasama raw ‘yung isa pang foreigner.
Tinanong nung isang foreigner ang hunk actot kung saan ito nakatira. Ang sabi ng hunk actor ay nasa isang hotel siya. Sabi ng foreigner, kung pwede raw siyang puntahan para makipag-inuman.
Eto namang si hunk actor, nakatunog na type siya nung foreigner. Kaya sinabi niya ang address ng hotel na tinutuluyan niya.
Hayun na, noong dumating na sa hotel yung dalawang foreigner at nag-iinuman na sila, gumapang ang kamay nung isang foreigner sa kanyang hita. Nagpapahiwatig ito na gusto nitong makipagdyugdyugan sa hunk actor.
Niyaya ni hunk actor yung foreigner na humiga sila sa kama. Pumayag naman yung foreigner at niyaya pa niya yung kasama niyang foreigner na humiga na rin. At dun na naganap ang orgy sa kanilang tatlo.
Sino si hunk actor? Gwapo siya at malaki at maganda ang kanyang pangangatawan. Kaya nga isa siyang hunk actor.