Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MAY bagong ‘anghel’ ang Kapamilya actor na si JC De Vera.
Nanganak na kasi ang kanyang misis na si Rikka ng healthy baby girl.
Sa kanyang Instagram account, masaya naman niyang ibinahagi ang isa sa pinakamahalagang kabanata ng kanyang buhay: ang pagdating ni Laura, ang pangalan ng kanilang second child.
Hawak ang new born baby, ni-welcome ni JC ang kanyang bunso sa pagsilang nito sa mundo.
Aniya, excited na raw siya sa magiging kinabukasan ng kanyang Daddy’s girl.
Ito ang teksto ng kanyang mensahe sa kanyang IG: “Dear Laura, Welcome to this world! You have been born into a world filled with endless possibilities, and I am so excited to see all that you will achieve in your lifetime. We are overjoyed to have you in our lives, our love for you will only continue to grow stronger with every passing day. I can’t wait to see the great things you will accomplish in your life, Laura. We love you ?? #Deveras #lauraamanda #girldad #girldads
Binaha naman siya ng pagbati sa mga kapwa niya celebrity tulad nina Dominic Roque, Drew Arellano, John Prats, Arron Villaflor, Joe Black, Jestoni Alarcon, Melissa Mendez, Cai Cortez at marami pang iba.
Si JC ay isa sa mga bida ng upcoming teleseryeng “Nag-aapoy na Damdamin”, ang pinakamainit na co-production ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na iprinudyus under JRB Creative Production sa direksyon ni FM Reyes.
Bukod kay JC, kasama rin sa cast sina Toni Labrusca, Jane Oineza at Ria Atayde.
***
CCP inanunsyo ang pasok sa VLF 18 FELLOWSHIP
Inanunsyo na ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ang fellows na pasok sa Virgin Labfest 18 Writing Fellowship Program na gaganapin mula Hunyo 13 hanggang 25, 2023 sa online at on-site venues.
Ang walong napiling fellows ay sina Rhain Arabella Alcoriza, Ray Reuben W. Alvarez, John Aldrich A. Cancino, Evan John L. Daynos, Dominique Mae R. Malaya, Ivan Jetrho L. Mella, Angelo Cautiber Obidos, at Elijah Felice E. Rosales.
Ang de kalibre at award-winning veteran playwright na si Glenn Sevilla Mas ang naatasang maging mentor ng walong nabanggit na fellows.
Bukod sa sasailalim sa masusing pagsasanay, magkakaroon din sila ng pagkakataon na lumahok sa pestibal na pangteatro ng mga bagong sibol na mga mandudula sa susunod na taon.
Tampok din sa Fellowship Program ang staged readings ng kanilang mga akda na ididirehe ng CCP artistic director na si Dennis Marasigan sa Hunyo 25 sa nasabing venue.
Para sa karagdagang detalye, puwedeng makipag-ugnayan sa CCP sa email address na artist.training@culturalcenter.gov.ph o tumawag sa 88321125 local 1605.