Advertisers

Advertisers

Kim chocolates ang panlaban sa mainit na ulo

0 130

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DERETSAHANG sinabi ni Kim Chiu, isa sa mga regular hosts ng It’s Showtime, na hindi nila kakumpitensiya ang Eat Bulaga!
“Wala naman kaming franchise, di naman sila kalaban.
“May prangkisa sila. Pare-parehas lang na ang gusto namin ay maghatid ng saya,” sinabi pa ni Kim sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng Eat Bulaga.
Tinanong si Kim kung hindi ba nahihirapan ang boyfriend niyang si Xian Liam kapag may buwanang dalaw siya; karaniwang may mga mood swing ang ilan sa mga babaeng may menstruation.
“Alam na niya yun kaya lalayo na siya. Sasabihin niya, ‘Mainit na naman ang ulo mo.’
“Chocolate na lang ang panlaban.”
Samantala, isa sa ipinagpapasalamat ni Kim ngayon ay ang paggaling ng kapatid na si Lakam na may sakit at matagal naospital.
“Matindi talaga. Very thankful ako.
“Wala, ang Panginoon ang nag-ano ng lahat. Di ko rin alam ang sagot basta very happy lang. Sobrang okay na siya.
“Malaki ang sinakripisyo ng Ate ko para sa akin, kaya sasamahan ko siya hanggang sa pagtanda niya.”
Sinabi pa ni Kim na malaki ang naitulong ng pagiging deboto niya kay Santo Padre Pio para gumaling ang ate niya.
***
DATING Kapuso na ngayon ay Kapamilya, pero dahil nabuksan na ang pintuan ng pagkakataon na magkaroon ng collaboration ang GMA-7 at ABS-CBN sa pamamagitan ng GMA/ABS-CBN/VIU Philippines series na Unbreak My Heart, may posibilidad din kaya na magtrabaho muli si Aljur Abrenica sa Kapuso Network kahit man lamang sa pamamagitan ng isa na namang collaboration?
“Oo. I would be happy. Kung interesado sila, sana…” simpleng sagot ni Aljur na nakausap namin sa grand opening ng bagong branch ng Idara Aesthetics and Café sa North Tower ng SM The Block.
Kasama ni Aljur ang girlfriend na si AJ Raval sa event at siyempre, naghanda na kami ng mga pasabog na tanong sa magkarelasyon pero maayos at marespeto namang nakiusap ang aktor na walang personal na mga katanungan sa kanila ni AJ.
Dumalo raw sila sa nasabing event bilang suporta sa Idara Aesthetics and Café Clinic na mga kaibigan nilang mag-asawang Philip at Lui Lipnica na may-ari ng skincare clinic.
“Ayoko munang magsalita ng anything personal. Kasi baka ma-front page na naman to, e. We’re here for our friends…
“Kaibigan namin yung may-ari, kinuha kami para sumuporta dito sa Idara.
“Kasi may mga several businesses sila yung family nila, and may mga resort sila, pinupuntahan namin yun.
“We’re very happy sa success nitong opening ng Aesthetics nila.
“Kanina, sa MOA, ngayon dito naman sa SM North. Iyun yung reason kung bakit kami nandito.”
Hindi pa sila official na celebrity endorsers ng clinic pero ayon kay Ms. Lui ay inaayos na nilang kunin sina Aljur at AJ na endorser ng kanilang clinic na ang main branch ay nasa Timog Ave., Quezon City; may branch din sila sa Robinson’s Galleria, Ayala Felize sa Marcos Highway at magkakaroon na rin daw sa Cloverleaf.
Minsan ay dadalhin kita roon, Blezilda Amor, para sa iyong skin needs. (Sige, promise ha?–ed)