Advertisers

Advertisers

Alexa at KD ‘di nagmamadaling pumasok sa relasyon

0 136

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

GAYA ni Dina Bonnevie, nakaranas din pala ng hindi maganda ang beterang aktres na si Eula Valdes sa mga baguhang artista na pasaway o may attitude.
Sabi ni Eula,“Oo naman, tahimik lang ako. Sa akin, sa loob-loob ko lang, ‘enjoyin ninyo yan, tingnan natin kung magtagal kayo,”
Hindi raw kasi talaga siya mapagpatol sa mga ganitong isyu, hangga’t kaya niyang pagpasensiyahan ay dinededma na lang niya para walang gulo.
“Dumating ako nu’n sa standby area, nag-uusap sila sa upuan. May kama, bigla silang lumipat dun, meaning, pinamukha nila na yun ang puwesto nila.
“Napahinto lang ako, ‘okay, dito lang ako.’ Pero nasaan na sila ngayon? Wala na sila,” natatawang sabi pa ng aktres.
Ngunit, one time raw ay talagang hindi na siya nakapagpigil at may mga natarayang mga baguhang artista.
“Bata pa sila nu’ng time na yun. Naglalaro pa sila, may sinabihan ako, nakalimutan ko na exactly pero parang ano, ‘umayos ka, lalamumin kita.’
“Parang na-ano siya (na-shock) pero magaling siya ngayon. Actually, magaling na siya noon pa. Wala siyang linya so wala siyang nakalaban,” aniya pa.
Paano niya hina-handle ang mga baguhang artistang hirap na hirap sa mga eksena at hindi makuha nang tama ang utos ng direktor?
“Hindi ko sila ina-approach, kung sila ay sinabak na di pa ready, hindi ko problema yun. Although ako personally, pag involved ako sa isang project, iisipin ko na sana ganito, nasa utak ko lang ba.
“Kung feeling nila wala silang problema, parang unethical din naman mag-approach kung wala naman silang hinihinging tulong sa ‘yo.
“Iniiwasan ko rin yun, ayoko naman na porke’t ano, iisipin mo agad tutulungan mo ako. Bakit, di ko naman hinihingi ang opinyon mo?
“Ang production naman ang makakapansin, from there siguro, kung gusto nilang mag-artista, e di magpatulong sila sa iba,” paliwanag pa ni Eula.
Napapanood si Eula gabi-gabi sa seryeng “Unbreak My Heart”, ang first ever collaboration ng ABS-CBN, GMA 7 at VIU, na bida sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia.
***
ANO ba talaga ang totoo? Nanliligaw ba talaga si KD Estrada sa kanyang ka-loveteam na si Alexa Ilacad o hindi?
Sa guesting ng dalawa sa morning talkshow ng ABS-CBN na Magandang Buhay nitong Miyekules, natanong si Alexa kung nanliligaw na ba sa kanya si KD. Tumingin muna ang dalaga kay KD sabay sabing, “I’m assuming, ‘no?” Na nang marinig ni KD ang sagot ni Alexa ay agad naman siyang sumagot ng oo.
So, sino kaya sa kanila ang nagsasabi ng totoo, di ba?
Sa ngayon daw ay patuloy pa ring kinikilala nina KD at Alexa ang isa’t isa at ine-enjoy lang nila kung anuman ang meron sila ngayon.
Dagdag pa ni Alexa, hindi rin naman daw sila nagmamadaling pumasok sa seryosohang relasyon.
“Very long time because why the rush?” sabi niya na sinegundahan naman ni KD ng, “Why rush a good thing?”
Samantala, nabanggit din ni Alexa na botong-boto naman ang kanyang pamilya kay KD kaya wala siyang nakikitang problema sa kanilang relasyon ngayon. Nagtitiwala rin daw ang kanyang magulang sa ka-loveteam.
Matatandaang nagsimulang maging close ang dalawa matapos silang maging celebrity housemates sa “Pinoy Big Brother: Kumunity.”