Advertisers

Advertisers

ANGELICA MAGIGING MRS. HOMAN NA SA 2024

0 314

Advertisers

Ni BETH GELENA

INI-screenshot ni Angelica Panganiban ang kanilang conversation ng fiance na si Gregg Homan at saka pinost sa social media. Nilagyan niya ito ng, “Paano tayo umabot sa ganito, @gregg_homan?”
Sa kanilang convo, may request si Homan sa kanyang fiance ng “palambing.”
Sa kanilang pag-uusap, nakalimutan ni Gregg na magdala ng ekstrang damit.
Naglambing siya sa aktres na puntahan siya at dalhan ng ekstrang pamalit.
Bago niya puntahan ang partner ay tinext niya ito, “Okay. Ano kapalit?”
Nang tanungin siya ni Gregg kung ano ang gusto niya.
Ani Angge, gusto raw niyang matulog nang hanggang 8 oras nang diretso.
Hindi naman pinagkait ni Gregg ang kahilingan ng fiance.
Natutuwa ang netizens dahil natagpuan na ni Angge ang lalaking tunay na nagmamahal sa kanya.
Pinatunayan naman ni Gregg na mahal niya ang aktres.
Katunayan magiging ganap nang Mrs. Homann ang aktres dahil matutuloy na ang kanilang kasal early next year.
***
KARLA MAHILIG DAW SUMAWSAW
Sumanib na rin si Karla Estrada sa pagiging reservist Philippine Army.
Pinost niya sa kanyang Instagram stories ang kanyang larawan kung saan naka-uniporme siya ng sundalo.
Aniya: “Hindi ako basta mamshie! PHILIP’NE ARMY RESERVIST SOON! Para sa bayan kong mahal!”
Agad naman na body shaming ang komento ng netizen.
“Ang tanong, kaya pa ba nyang tumakbo? Charot.”
Napuna naman ng isang netizen ang spelling ng Philippine na sinulat ni Karla.
“pano i-spell ang pilipin kaloka”
“Philipne!”
“Hahahah! Spelling ng bansa hindi magawa, paano mo ipaglalaban? Hahahaha!!”
“Lahat na lang sinawsawan. Anong participation nya dyan!? Makasakay lang sa uso. Tsk”
Natawa naman kami sa komento ng isang ito.
“Ano gawin nya dun? Shield?”
“Sus kapag kailangan na siya matutulala lang yan tulad ng ginagawa niya sa F2F.”
“Kaya ba ng katawan niya yung training?”
Yun ma!!!
***
KYLIE MULING PINOST ANG LARAWAN NA KITA ANG AREOLA
Marami ang nakapansin na pawang kaseksihan ang pino-post ni Kylie Verzosa sa kanyang socmed account.
Tulad nang rumampa umano sa Cannes Filmfest ang former beauty queen.
Pinag-usapan ang naging appearance ni Kylie dahil nakita umano ang kanyang areola sa ibang anggulo ng photos.
Parang sinadya raw nitong ipakita ‘yun para mapansin siya sa Cannes Film Festival.
Ipinost muli ni Kylie the other day ang nasabing larawan kaya muling naungkat ang isyu.
Ang isa pang inisyu sa former Miss International ay pinahirapan daw nito ang mga taong andun dahil sa bulky ang gown na suot kaya ang tendency ang lawak ng na-occupy na space sa red carpet.