Advertisers

Advertisers

Bruce tanggap na pinaghiwalay ng kalabtim na si Althea; Voltes V: Legacy girls sumabak sa negosyo

0 131

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ANG industriya ng spa at wellness ang isa sa mga unang ipinasara at huling pinabuksan ng gobyerno sa kasagsagan ng pandemya na dulot ng COVID-19 na nagsimula noong March 2020.
At kuwento sa amin ng may-ari ng Nailandia nail salon and foot spa na si Noreen Divina…
“So nagsara kami mga one and a half years, on and off iyon.
“Di ba August nagluwag tapos by December nag-strict na naman sila.”
At naging mabuti naman ang puso ni Noreen at mister niyang si Juncynth Divina sa mga panahong iyon…
“Hindi ko naman sinisingil ng royalty ang mga branches kapag sarado sila kasi nakakaawa din naman, ano?”
Sa kabutihang-palad, sa ngayon na maluwag na ang mga health protocols dahil sa mababang kaso na ng COVID-19 ay dagsa raw ang mga kliyente sa mga branches ng Nailandia.
“Ay naku sobra, napakalaking tulong sa amin lalo na sa mga franchisee kasi sa kanila talaga ako naaawa before na alam mo mababait sila kasi pag walang trabaho ang staff nila, they give rice, they give ayuda kahit walang kita.
“Binibigyan nila at nakakatuwa sila actually so napakabait nilang tao, lahat, yung parang pay forward, ang babait nila siguro dahil din napagbibigyan namin sila kung ano yung dapat i-impart din nila sa employees nila.
“And ito na nagluwag na, ay naku, dagsa, dagsa ang mga customers namin. Nasabik ang mga tao sa services namin, sobra,” masayang bulalas ni Noreen.
At ang latest, tatlong Sparkle/Kapuso female stars at Voltes V: Legacy cast members ang nag-franchise ng Nailandia mula kay Noreen; sina Elle Villanueva (bilang Eva Sanchez), Sophia Senoron (bilang Ally Chan) at Ysabel Ortega na gumaganap bilang Voltes V team member na si Jamie Robinson.
Paano ito nagsimula?
“Kumbaga ex-deal na sila ng Nailandia, sponsors ng nails nila ang Nailandia. Kumbaga pag may events punta lang sila sa Nailandia.
“And then one time nag-message sa amin si Sophia, si Sophia ang tulay, e. So sabi niya interested daw silang mag-franchise ng isang branch. Silang tatlo, sosyo.”
Bago matapos ang taong 2023 ay magbubukas na ang Nailandia branch nina Ysabel, Elle at Sophia sa Il Terrazzo sa Tomas Morato sa Quezon City.
Masayang-masaya si Noreen sa pagkakataong magkaroon ng business collaboration sa tatlong aktres dahil sikat na sikat ang Voltes V: Legacy at patuloy na nangunguna sa ratings game.
“Very thankful, grateful kay Lord!
“Thank you Lord talaga, wala lang akong masabi, thank you Lord talaga,” saad ni Noreen.
***
NAPAG-usapan namin ni Bruce Roeland ang tungkol sa pagkakabuwag ng loveteam nila ni Althea Ablan.
“We’re okay, me and Althea. I wish the best for her. Pero yeah, it’s a decision made by GMA, and I respect GMA’s decision,” umpisang sinabi ni Bruce.
Bakit kaya sila pinaghiwalay?
“It maybe because of certain plans of GMA, na may plan sila for me becoming a solo actor, si Althea becoming a solo actress or maybe having a different loveteam.
“Wala namang problema sa akin basta I respect everyone’s decision.”
Good friends daw sila ni Althea.
“Childhood friends.”
Hindi rin daw siya nanligaw kay Althea.
Pagpapatuloy pa ni Bruce…
“If it’s the decision by GMA I have to accept it, kung desisyon ng GMA alam ko na tama iyon since sila yung mga professional.”
Sa ngayon ay mapalad si Bruce mapabilang sa Open 24/7 ng GMA na bida sina Vic Sotto at Maja Salvador na napapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman.