Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NOMINATED sa 2023 Seoul International Drama Awards (SDA) bilang Outstanding Asian Star sa Philippine sub-category sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Dennis Trillo, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose na gaganapin sa Setyembre 21.
Kung titingnan natin, ang labanan dito ay sa pagitan ng Team 2Good Be True ng KathNiel at Team Maria Clara at Ibarra ng tatlong Kapuso stars.
Kung pagiging innovative ng concept, masasabing lamang ang historical serye ng GMA-7 lalo na ang recall nito sa millennials kumpara sa romcom ng Kapamilya channel.
Sey din ng observers kung performance ang pag-uusapan, no doubt na worth-citing ang naging performance ni Dennis Trillo bilang Crisostomo Ibarra at Simoun sa nasabing ground-breaking series ng Kapuso network kesa kay DJ sa serye nila ng KathNiel.
Bukod dito, ang mister ni Jennylyn Mercado has 17 acting awards to his belt.
Sa kaso ni Barbie, rebelasyon ito bilang Klay sa MCAI kung saan naging breakout ang loveteam nilang BarDa ni David Licauco.
Gayunpaman, kung susuriin naman natin ang pamantayang ginagamit sa naturang award-giving body, maihahalintulad ito sa popularity contest na ang mga manonood ay inaanyayahang iboto ang kanilang mga manok mula Hunyo 15 hanggang Hulyo 14 sa pamamagitan ng app na Idolchamp.
Ang sinumang may pinakamaraming boto ang siyang idedeklarang panalo at aanyayahan para dumalo sa nasabing okasyon ayon sa organizers.
Bukod sa sub-category sa Pinas, meron ding sub-categories ang awards sa mga bansang South Korea, China, Japan, Taiwan at Thailand.
Hirit tuloy ng kibitzers, kung popularity o paramihan ng kafaneyan ang pag-uusapan, may tulog umano si Dennis laban kay Daniel at maging sina Barbie at Julie Anne vs. Kathryn.
May intriga factor din ang nabanggit na award dahil first time na magsasabong ng reel and real life sweethearts na sina Kathryn at Daniel sa isang kategorya.
Well, sa ngayon, abangers din ang netizens kung kanino kina Kathryn o Daniel ang susuportahan ng KathNiel fans.
Ang Seoul International Drama Awards na itinatag noong 2006 ay layuning pagbuklurin ang global TV productions at payabungin pa ang iba’t ibang kultura ng bawat bansa sa Asya.
Sina Gabby Concepcion, Dennis Trillo, Alden Richards, Dingdong Dantes at Belle Mariano ang previous winners sa kategoryang Outstanding Asian Star ng mga nakaraang edisyon ng SDA.
Speaking of Dennis, lumipat na rin siya ng talent management. Mula sa pangangalaga ni Popoy Caritativo, kasama na niya ang misis niyang si Jennylyn sa Aguila Entertainment and Talent Management nina Katrina at Becky Aguila.