Advertisers

Advertisers

MICP-CIIS WALANG BINATBAT SA DISTRICT COLLECTOR?

0 162

Advertisers

Tila walang kamandag sa pagpapairal ng mandato ang pangasiwaan ng MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT-CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE (MICP-CIIS) dahil ang ginawang hamon nito na buksan at siyasatin ang laman ng mga kaduda-dudang container vans na nagmula sa bansang CHINA ay dinedma lamang ng MICP DISTRICT COLLECTOR.., na ang memo ay pinunit at ibinasura lamang daw nitong nasabing DISTRICT COLLECTOR.

Ang tinutukoy natin ay ang ginawang pagpapadala ng memo ni
MICP-CIIS CHIEF ALVIN ENCISO sa tanggapan ni MICP DISTRICT COLLECTOR ROMEO ALLAN R. ROSALES para magsagawa ng
inspeksiyon sa mga kuwestiyonableng container van na napakaraming consignees subalit iisa lamang ang broker na nagngangalang Noel Taruc Urbano.

Nasa 500 container vans ang umano’y pasok sa technical smuggling kaya nagrequest si ENCISO sa MICP DISTRICT COLLECTOR para busisiin kung ano ang laman ng mga container van upang mapatunayan kung totoo ba ang mga nakadeklarang laman ng mga nasabing van.



Gayunman, sa halip na sundin ang nilalaman ng memo ay ikinagalit pa umano ni DISTRICT COLLECTOR ROSALES.., wowww astig a hehehe, kasi pinunit at ibinasura raw ang nasabing memo na nagmula sa MICP-CIIS.

Ang matindi pa ay may mga prominenteng personalidad ang pumapadrino para sa agarang pagpapalabas sa mga container van, gayong may natanggap na Intel report ang tanggapan ni ENCISO na hindi grocery items ang laman ng mga van kundi mga agricultural products kasama na ang asukal.., naturalmente na lalo ngang magdududa ang grupo ng MICP-CIIS dahil nga naman e minamadaling mailabas na sa MICP ang mga container van na walang kaukulang pagsisiyasat.

Mga ka-ARYA.., ang mga CONTAINER PORT sa ating bansa o ang bumubuo ng BUREAU OF CUSTOMS (BOC) ay karaniwang isyu riyan ay ang “LAGAY” o hatag ng pera para mapalusot ang mga kontrabando.., kaya naman kung sisiyasating tunay ang CUSTOMS e may guwardiya o karaniwang janitor lang ang trabaho ay halos mansion na ang pag-aari o kayamanan hehehe.., e magdududa nga naman ang grupo Nina ENCISO na ang mga container van ay nabigyan na o nahatagan na ng pera ang lamesa ng DISTRICT COLLECTOR.., sa magkanong halaga kaya ang inilapag sa lamesa ni ROSALES para kahit sinong magsiyasat e susuwagin niya para walang makialam tulad sa grupo ni ENCISO?

Ang mga container van na ipinasisiyasat sa presensiya ng MICP-CIIS ay ang mga naka-consign sa mga pangalang AP Food Products, JLDC Consumer Goods Trading, IRRV Specialized Goods Trading, KRMN Specialized Goods Trading, AP Hardware Materials Wholesaling, JLDCS Consumer Goods Trading, at SRA Aggregated Trading na ang nakadeklarang laman ng kanilang mga container van ay grocery items, exercise mat and others, kitchen furniture, steel strip in coil, solar led lights, porcelain tiles at folding chairs.

Kung hindi nasiyasat ang mga nasabing container van ay direktang pagsuway ito sa itinatakda sa mga regulasyon ng Adwana at sa mga batas na ipinaiiral sa ating bansa.., na ang kampanya ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR na pagsugpo sa katiwalian tulad sa smuggling ay silbing inutil na lamang.



Kung mas ‘ASTIG’ si DISTRICT COLLECTOR ROSALES na hindi tumatalima sa mga regulasyon na mandatong taglay ng MICP-CIIS.., e buwagin na lang ang MICP-CIIS hehehe alangan namang pangdekorasyon na lang sila para lang masabing may investigation force ang nasabing ahensiya.., ano sa palagay nyo mga ka-ARYA?

Sabagay.., maaga pang husgahan ang isyung ito.., kasi marami nang naging accomplishment ang puwersa ni MICP-CIIS CHIEF ENCISO laban sa mga nagtatangkang magpuslit ng mga kargamento.., kaya abangan natin ang magiging bangis ni CHIEF ENCISO hinggil sa mga container van na ‘inaarbor’ ng mga matitikas na personalidad!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.