Advertisers
NATIMBOG ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Regional Field Unit ang dalawang pekeng dentista sa entrapment operation Huwebes ng gabi sa Bagong Barrio, Caloocan City.
Kinilala ni CIDG Director, Brigadier General Romeo M Caramat, Jr., ang mga naaresto na sina Corazon Nene Depalobos, 56 anyos; at Rose Marie Abordo Delosta, 56, na kapwa tumatayong assistant dentist sa Cardinal Casasiempre Dental Clinic.
Inaresto ang dalawa dahil sa kawalan ng lisensiya at sertipikasyon na magpapatunay na sila ay lisensiyadong dentista.
Nakuha ng mga awtoridad ang ilang kagamitan ng dentista at mga dokumento.
Sasampahan ang mga ito ng paglabag RA 9484, Section 33.