Advertisers
Hinimok ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga lokal na pamahalaan na agad na ipamahagi ang mga bagong donasyon na bivalent COVID-19 vaccine na mag-e-expire sa Nobyembre.
Ayon kay Herbosa, mag-e-expire sa Nob. 23 ang 390,000 bivalent shot na naibigay ng gobyerno ng Lithuanian ngayong buwan.
Sinabi ni Herbosa na kapag dumating ang bakuna, agad na ipinamamahagi sa mga regional hubs kaya umaasa ang Dept. of Health (DOH) na maipatupad nito agarang pagbabakuna sa mga Local Gov’t. Unit (LGU).
Ang mga bivalent vaccines, target ang omicron variant at ang orihinal na anyo ng virus.
Naunang sinabi ng DOH, na uunahin ang mga matatanda, mga may comorbidity, at mga manggagawang pangkalusugan sa paglulunsad nito.
Habang nakikipagnegosasyon ang DOH para sa mas marami pang bivalent COVID-19 jabs, dapat din kumuha ang gobyerno para mapalakas ang supply nito.
Ayon kay Herbosa, kulang na kulang ang 390,000.
Ngunit kinilala niya na mayroong “snag at mga isyu” sa pagkuha kasunod ng pagtatapos ng state of public health emergency.
Idinagdag niya na dahil sa pagiging kumplikado sa regulasyon sa kawalan ng EUA, dapat munang bayaran ang mga bakuna bago ito maihatid sa Pilipinas. (Jocelyn Domenden)