Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA isang panayam, sinabi ni Kelvin Miranda na na-diagnose siyang may bipolar disorder, post-traumatic stress disorder at mild attention deficit hyperactivity disorder.
Noong una raw ay in denial pa siya na may mental issues siyang pinagdaraanan.
Maging ang mga magulang nga raw niya ay nahirapang sakyan na may ganoon siyang kundisyon.
Mabuti na nga lang daw na may kamag-anak sila na matiyagang naipaliwanag sa mga kasambahay niya ang tungkol sa kanyang mental at psychological disorder.
Sa tulong ng mga eksperto, mas naging bukas din daw ang kanyang kaisipan sa kanyang kalagayan.
Nakatulong din daw na nag-seek siya ng medical advice sa psychiatrists.
Payo pa niya, malaki rin daw ang nagagawa ng acceptance para makapag-cope sa ganoong situwasyon.
Hindi naman niya masabing hindi na siya sinasagilahan ng sapi.
Minsan daw ay nagkakaroon pa rin siya ng triggers kung saan inaatake siya ng anxiety at depresyon.
May mga pagkakataon nga raw na naa-agitate pa rin siya.
Nangyari raw ito sa taping ng isang show na ginagawa nila ni Direk Zig Dulay.
Humingi raw siya ng tatlumpung minuto para pakalmahin ang sarili at nagpapasalamat naman siya na naging supportive ang kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Payo pa niya sa mga taong may parehong pinagdadaanan tulad niya, hindi daw dapat ito sinasarili kundi hinaharap.
Makatutulong din daw na may taong laging nakakausap o dini-distract mo ang sarili sa negativity sa paligid mo.
Speaking of projects, kasama si Kevin sa action-comedy series na “Walang ang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na pinagbibidahan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
Medyo nanibago raw siya sa kanyang role dahil ate niya si Beauty Gonzalez na naging love team partner niya sa “Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette,” kaya naudlot ang kanilang romansa.
Gayunpaman, bet daw niyang muling ‘makabawi’ sa leading lady sa upcoming movie nilang “After All” na idinirehe ni Adolfo Alix, Jr.