Advertisers

Advertisers

Maagang konsultasyon, susi laban sa sakit sa dengue at iba pa. – AnaKalusugan Party-List

0 98

Advertisers

Mariin ang panawagan ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray T. Reyes hinggil sa kahalagahan para suportahan ang maagang konsultasyon upang makatulong na sugpuin ang tumataas na kaso ng dengue sa bansa.

“Malaking bagay po ang proper health-seeking behavior gaya ng pagpunta sa pinakamalapit na health facility pag nakitaan na ng sintomas ng dengue,” ani Rep. Reyes.

“Napakaimportante po na ito ay maagapan bago pa ito lumala,” dagdag pa ng mambabatas.



Ipinunto ni Reyes ang datos mula sa Department of Health (DOH) kung saan nakapagtala ito ng 51,323 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Mayo 20 ngayong taon.

Mataas ito ng 30 porsyento kumpara sa bilang ng kaso ng dengue na iniulat sa kaparehong panahon nitong nakalipas na taon.

Binigyan din ni Reyes, vice chairman of the House Committee on Health, na maraming sakit tulad ng dengue ang madaling maaagapan sakaling ito’y maagang nadidiskubre sa umpisa pa lamang.

“This is why we remain focused on providing healthcare access to every Filipino without incurring additional costs,” saad ni Reyes.

Ang House Bill No. 430 ay isinulong ni Rep. Reyes sa Kamara layunin na makapagbigay ng libreng annual medical checkups para sa mga Filipino.



Isa itong hakbang na naglalayong bumuo ng isang programa para sa taongbayan na mabigyan sila ng taunang libreng check-ups bukod pa sa hindi limitadong blood sugar at cholesterol tests.

“Through free checkups and laboratory tests we will reduce hospitalization and improve the health of Filipinos against non-communicable or lifestyle diseases,” paliwanag ni Reyes.