Advertisers
Ni JOVI LLOZA
VIRAL sa bagong segment ng new version ng EB nang idinagdag si Yorme Isko Moreno at may sitsit pa na pati sina Bayani Agbayani at Randy Santiago ay papasok na rin sa TAPE.
Sa segment nga ng pamimigay ng datung sa kalye ni Yorme kasama si Buboy Villar, isang jeepney driver ang masuwerteng nabiyayaan ng sàlapi.
Asked lang naman ni Yorme kung magkano ang ginagasolina at boundary nito at instant na binigyan agad ng pera ni Yorme ang driver.
Pero nawindang sina Yorme at Buboy nang magpasalamat na ang driver kina Tito, Vic at Joey kaya nangingiting naasar na lang sina Yorme at Buboy.
Kaya di maitatanggi na kapag sinabing Eat Bulaga ay TVJ na talaga ang naiisip ng tao.
Ani pa ng netizens, “akala ko ba nalulugi eh bakit panay pamudmod nila ng salapi?”
Ayan napahiya pa sila imbes mga bagong new EB hosts ang pasalamatan ay sina TVJ pa rin.
***
Joey may parunggit sa TAPE Inc…
TVJ at buong legit Dabarkads nag- lunch sa bago nilang tahanan
SA live ng Legit EB Dabarkads ay pinasilip nila ang pagdalaw at pagtuntong sa kauna-unahang pagkakataon sa TV5.
Si Ryan Agoncillo ang nagla-live habang ipinapakita ang pagla-lunch sa bago nilang tahanan, ang TV 5.
Inisa isa ni Ryan ang kanyang mga kasamahan sa show, sina Maine Mendoza, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paulo Ballesteros at Ryza Mae Dizon at siyempre ang TVJ.
Sumigaw pa nga si Ryan ng “Alas dose na sabay sigaw din ng lahat na Eat Bulaga na!” hudyat lang na may paramdam na sa kanilang pagbabalik.
Nang masentro ng cam si Joey De Leon sa kanilang live ay nagsabi ito ng “live ba yan?”
Sagot ni Ryan, “Yes Boss Joey Live ito.”
Sabay sabi ni Joey ng “Sige Live gusto ko ayaw ko ng TAPE” sabay tawanan.
Tiyak na pag-uusapan na naman ang linya ni Joey lalo na’t nag-trending na naman ito.
Well, well, well…Yun na!