Advertisers

Advertisers

MATINDI ANG DISCONNECT

0 180

Advertisers

SA pagtalaga kay Larry Gadon bilang puno ng Poverty Alleviation Commission, marami sa kababayan natin ang tumaas ang kilay at abot-kili-kili ang pagka-pamewang nila dahil ipinakita ni Ferdinand “Bongbong” Marcos ang matinding “disconnect” nito sa opinyon ng madla. Halatang obvious na pabuya ang pagkatalaga sa kanya. Hindi popular si Mr. Gadon, bagkus kinamumuhian siya dahil sa ilang beses na pambabastos niya sa kritiko ng mga Marcos. Ang pinakamatinding ginawa nito ay ang panlalait kay Raissa Robles. Hindi maganda ang naging reaksyon ng Muslim community sa opinyon niya na dapat lipulin silang lahat. Heto ang naging saloobin ng dating sugo Sahid Sinsuat Glang: “The appointment of Larry Gadon as Presidential Adviser on Poverty Alleviation mirrors the character of the one who appointed him. No decent president will ever appoint a disgraced, disbarred and rude lawyer to a cabinet position. When a president puts a piece of garbage in, expect garbage out (GIGO). Gadon is not only GIGO but G***GO!…

Tama si netizen Anleng Villanueva: “Ang pagkat disbar kay Gadon ay ‘di natin dapat ipagbunyi. Kulang na parusa yan sa isang bastos at walang galang na tao. Disbarment for life, sabay kasuhan para makulong ang hayup na yan.” Nagtataka ang abang kolumnistang ito, kung bakit walang makuhang matino sa administrasyong Marcos. Sa opinyon ko si Mr. Gadon ay katulad ng isang nagsisiga-sigaan. Malakas manduro pero hindi pinapansin ng matino. Ito ang tipo ng taong inaabatan sa kanto, at kinukuyog. Opo, marami ang mainit ang dugo kay Mr. Gadon. Bastos siya at walang iginagalang.

Sa wari ko hindi tatagal ang mga ganitong klaseng tao sa pusisyon. Hindi siya iginagalang bagkus kinamumuhian. Paalala lang po. Ang pusisyon ng Presidential Adviser On Poverty Alleviation ay pansamantala. Ito ay co-terminus sa posisyon ng Pangulo, na matatapos sa Hunyo 30, 2028, o, ayon pa rin kay kay dating sugo Sahid Sinsuat Glang, nakasalalay sa pagkakataon na personal o pulitikal. Si Larry Gadon ay inalis sa talaan ng mga abogado. Napatunayan na hindi siya karapat-dapat na tawaging “Attorney.” Ang pusisyon niya sa gabinete ni Bonget ay pansamantala lamang. Ngunit ang pagiging ganap na abugado ay pang habang-buhay. ‘Eka nga ng kaibigan natin na itatago na lang natin sa pangalang Alab Cruz: “Sa ibang BAR pasado ka Larry Gadon… BARtolina…”.



***

Nagsagawa ng “leave of absence” si DOJ secretary Crispin “Boying” Remulla, at ang kanyang dahilan ay dahil sa kalusugan. Hindi ako magtataka kung hindi na babalik ang hamag dahil sa patuloy na pagkapiit kay dating senador Leila De Lima. Ang masasabi ko lang ay “good riddance” hamag ka.

***

Tutuldukan ko ang kolum na ito sa isang nakatutuwang kwento mula sa aking kababata Peter Pica. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian at Mabuhay tayong lahat.

Hindi ko talaga kayang tiisin ang mga lolo at lola.



Kanina nasa Mcdo ako… May mag-asawang matanda na nasa isang sulok ng food chain, one meter apart. May hamburger, fries at softdrinks na nasa mesa nila.

Nakita kong hinati ni lolo ang burger at ibinigay kay lola, binilang ang fries at hinati at ibinahagi rin kay lola.

Pagkatapos ay kumain na si lolo at tahimik lang na uminom ng softdrinks si lola…

Nakaramdam ako ng awa at akmang lalapitan ko na sila upang alukin na bilhan pa sila ng isang order nang may makita akong isang lalaki. Customer din marahil at nakita ang sitwasyon ng mag-asawa.

Siguro, naisip ko, nakaramdam din ng awa ang customer. Sabi ng customer, “gusto niyo po, ibili ko kayo ng isa pang order? Para di na kayo maghati?”

Sumagot ang lola, “ano kamo?” May kahinaan din yata ang pandinig dahil malakas ang boses. Lalo akong nakaramdam ng awa…

Inulit ng customer ang sinabi…

Sagot ni lola, “Huwag na, apo.. ganito talaga kami… at sanay na kaming pinagsasaluhan ang lahat ng bagay.”

“Kayo po ang bahala…” sabi ng customer at umalis na.

Pero ako, patuloy ko silang pinagmamasdan… At nagtataka ako kung bakit si lolo lang ang kumakain at hindi si lola. Nakatingin lang ito kay lolo habang umiinom lang ng drinks.

Hindi ako nakatiis at lumapit ako sa kanila… Sabi ko, “Lola bakit di pa po kayo kumakain?” Sagot ni lola sa akin, “Yong PUSTISO, hinihintay ko siyang matapos…”

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Love the Philippines”

“An imperative for a tourism slogan?… You don’t command tourists!… That tagline belongs instead to the 10 Commandments…” – Antonio J. Montalván II, peryodista, netizen

“An immature and gullible person cannot be an achiever.

It’s the same for the nation…” -Prof. Cesar Polvorosa Jr., guro, netisen

“China loves the Philippines, too. They catch the fish in our territorial waters for us Filipinos to buy…” – Joone Buelva, netisen

“P40 daw ang pinakamurang bigas sa Murphy market as reported in the news tonight…

O di ba? Natupad ang kalahati?… Hindi bale, in-appoint naman si Larry Gadon as adviser for poverty alleviation… ‘Magmumura’ yan… Hindi ko lang alam ang bigas…”- Ka Kiko

“DWPM 630 (formerly DZMM 630) has now resumed regular broadcasting starting today June 30 on the Radio AM band. Most anchors of the former DZMM Teleradyo are retained…

Napapanood pa rin sa sila sa dating Teleradyo Channel sa cable…” -Dato Dumagat, mamamalagtas, netizen

“To hell with the public!… I’m here to represent the people…” – Robin Padilla, kasalukuyang halal na senador