Advertisers

Advertisers

NAPAPRANING ANG ACT

0 136

Advertisers

NAKAKATUWA ang mga patutsada nitong Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa memorandum na inilabas ng Department of Education (DepEd) na nag-uutos sa mga local units nito na mag- submit ng listahan ng mga teacher na miyembro ng ACT.

Agad nagpahayag ang organisasyong kaalyado ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, na isa raw ito sa paglabag ng karapatang magbuo ng isang asosayon at karapatang maghayag ng saloobin.

Tila napapapraning na ang ACT. Ang DepEd June 14, 2023 memorandum ay naglalayon lamang mabilang ang mga guro na kasapi nila para malaman ang dami ng mga nagnanais na masali sa Automatic Payroll Deduction System (APDS).



Ang sabi ng ACT “profiling” daw ito sa kanilang mga miyembro. Siyempre, dagliang itinanggi ito ng DepEd, dahil ang intensiyon ng ahensiya ay mapag-sama-sama ang listahan ng mga guro na gustong mapabilang sa program ang APDS at maiayos ang sistema.

Eh di nga sumagi man lang sa isipan ng DeEd ang naisip nitong mga opisyales ng ACT na pinupuntirya lamang ang kanilang grupo dahil sa pagtatayo ng mga unyon ng mga guro. Di ba? Malaya kayong nakakapagtatag ng mga unyon sa halos lahat na ng rehiyon sa bansa?

Anong kapraningan ito? Sa totoo lang wala pa sa pagka-bise presidente si Inday Sarah at di pa naitatalagang kalihim o secretary ng DepEd, ay kilala niya na, ang mga hilatsa niyo. Alam ni Vice President at DepEd Secretary Sarah na kayong mga member ng ACT ay may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

Pinasasaringan nga minsan kayo, pero di kayo ginigipit. Dahil si VP, Sec. Sarah ay totoong tao at mahusay na pinuno. Pinahahalagahan nito ang pagiging lingkod bayan. Di ba kayo rin ay lingkod bayan din? Bakit marami sa inyo ang di makasunod sa simpleng pag-sasaayos ng sistema? At bigla kayong napapraning kapag may kautusang napakadali namang sundin.

Sa mga ganyang pustura niyo, lalo kayong napaghahalata. Mayroon kayong nais itago kaya’t ayaw niyong sundin ang simpleng kautusan na magpapaganda lamang ng sistema ng inyong mga pasahod.



Wala sa hulog ang mga patutsada at postura niyo. Baka ganyan din ang inyong pinaggagawa at tinuturo sa ating mga kabataan? Ang laging sumalungat sa tama.