Arjo at Maine ikakasal na sa July 28; Eat Bulaga ng Tape Inc. tinaningan na ng GMA7 sa patuloy na pagsadsad ng ratings
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DAHIL sa pabagsak na rating ng Eat Bulaga ng TAPE Inc., may mga sitsit na binigyan na ito ng taning ng management ng GMA.
Simula nga nang umalis ang TVJ sa poder ng TAPE ay unti until na itong bumagsak lalo na’t ang mga big sponsors ay nagsunuran sa tatlo.
Kaya naaburido na ang dating Chairman na si Romeo Jalosjos sa patuloy na pagbagsak ng Eat Bulaga.
Ikinaloka ng netizens na imbes nga raw na tulungan ng GMA ang matagal nang blocktimer sa kanila.
Eto’t mas binigyan pa raw ng special treatment ang nakapasok na isa pang noontime na blocktimer din, ang Its Showtime.
Kahit mga artista ng GMA ay isinahog sa kapapasok lang na kalaban na rin ng matagal nang blocktimer sa GMA-7, ang Eat Bulaga.
Dahil sa patuloy na pagbaba ng ratings ay binigyan na raw ng taning ng GMA ang TAPE Inc. na baka mapilitan na ang network na i-cancel ang kontrata ng TAPE.
Kahit naman ang TAPE Inc. ay naalarma na rin sa pabagsak na ratings ng Eat Bulaga.
Kaya may bulung-bulungan na hanggang July 31 na lang ang Eat Bulaga.
***
HIRAP makakuha ng detalye sa planong kasalan ng magdyowang Maine Mendoza at Arjo Atayde.
As in, kahit matitinik na Maritess ay ‘di makasagap ng saktong detalye ng kasalan ng dalawa.
Pero dahil sa mga sitsit ng aming chika belle ay nasagap nitong sa July 28 na taong kasalukuyan na raw ang kasal ng ArMaine.
May mga nagtanong naman kung bakit July 28 ang napiling petsa ng wedding.
Ito raw kasi ang petsa nang nagsimula ang kanilang pagkakakilala.
Well, well, well…’Yun na!