Advertisers

Advertisers

Ang salarin sa P14-T nang utang ng Pinas

0 211

Advertisers

NAPAKALAKI na ngayon ng utang ng Pilipinas, lagpas na sa P14 trillion!, ayon sa Bureau of the Treasury.

Isang taon palang ang Marcos Jr. administration pero nakautang na ng halos P1 trillion. Grabe! Saan kaya dinala ang gabundok na kuwartang ito? Kayo na ang mag-isip, bayan!

Balikan natin ang mga nakaraang administrasyon para malaman natin kung sino ang tunay na salarin sa paglobo ng todo todo ng utang ng Pilipinas.



Magsimula tayo sa administrasyon ni Cory Aquino (1986 -1992), ang nagmana ng mga inutang ng tinaguriang diktador na pangulo, Ferdinand Marcos, Sr. (1965 – 1986).

Nang matapos ang termino ni Cory noong 1992, ang naging utang ng Pilipinas ay kulang lang sa P1 trillion.

Nang maupo at matapos ang termino ni Fidel Ramos (1992 -1998), ang utang ng Pilipinas ay nasa P1.5 trillion, matapos siyang mangutang ng $46 billion.

Sa pag-upo ni Joseph “Erap” Estrada (1998 – 2001), na higit dalawang taon lang sa kanyang termino matapos ma-impeach dahil sa mga isyu ng korapsyon/pandarambong, ang utang ng Pilipinas ay P2.1 trillion.

Sumunod kay Erap ang nagpa-impeach sa kanya, si Gloria M. Arroyo (2001 – 2010), ang 2nd longest serving president after Marcos Sr., na siyam na taon sa kapangyarihan at nakulong din tulad ni Estrada ng ilang taon sa kaso ng korapsyon/ pandarambong.



Nag-iwan si Arroyo ng utang na P4.5 trillion. In fairness, maganda ang ekonomiya noong panahon ni GMA na isang ekonomista. Talamak nga lang ang smuggling at korapsyon noon. You know!!!

Pag-upo ng anak ni Cory na si Noynoy (2010 – 2016), nakautang ito ng mahigit P1 trillion. Kaya ang naging utang ng bansa after his term ay P5.94 trillion lamang.

After Noynoy, si Rody “Digong” Duterte (2016 – 2022). Dito na nabaon ng todo todo sa utang ang minamahal nating Republika ng Pilipinas. Nadoble ang utang sa loob at labas!

Oo! Pagkatapos ng termino ni Digong, ang utang ng Pilipinas ay P12.7 TRILLION! Grabe!!! Saan kaya napunta ang gabundok na kuwartang ito? Ang dami sigurong yumaman na miyembro ng gabinete ni Duterte rito? Naging talamak din ang korapsyon dito. Halos lahat ng govt. agency ay na-red flag ng Commission on Audit. Sinabihan pa nga noon ni Duterte ang mga taga-COA na ihulog sa hagdanan. Hehehe…

Sa pagpasok ng Marcos, Jr. administration, isang taon palang ito ngayon, nakautang na ito ng halos P1 trillion. Kaya ang utang ngayon ng Pilipinas ay P14.1 trillion na! Now you know?

Huwag ninyong sabihin wala tayong pakialam dito? Aba’y tayo po ang magbabayad nito habambuhay, at mamanahin pa ng mga apo at kaapo-apohan natin. Samantalang silang gumawa ng utang na ito, hayahay ang buhay. Pukaw namo!

***

Dapat magbitiw na sa pagiging Tourism secretary itong bespren ni VP Sara Duterte-Carpio na si Cristina Frasco dahil sa kahihiyang inabot ng bansa sa advertisements nila sa “Love the Philippines’ na ang mga larawan na ginamit ay kuha sa iba’t ibang bansa. Nakakahiya!