Advertisers

Advertisers

BELMONTE, MAJ. AMUTAN, BULAG, PIPI AT BINGI SA BURIKI SA MALVAR, GAMBLING-CON-DRUGS SA BATANGAS? (Part 1)

0 1,166

Advertisers

ITONG kauupong Batangas PNP Acting Provincial Director Col. Samson B. Belmonte ay isang masipag, magaling at maaasahang opisyal na may natatanging “K” para maging isang heneral sa hinaharap, ayon sa mga KASIKRETA natin sa loob ng Camp Crame.

Ito daw si Col. Belmonte na miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) ay isa mga namumukod na police colonel na may GALING at KAKAYAHAN kaya may KARAPATANG maging permanent Batangas Provincial Director at maging isang heneral sa darating na mga panahon.

Naniniwala naman tayo sa pagtataya o forecast na ito ng ating mga KASIKRETA at kapwa mga mamamahayag sa magandang hinaharap na police career ni Col. Belmonte, pero sa ganang atin, gaano man kagaling, kasipag at pagiging matapat sa tungkulin ng isang opisyal, ito’y pumapalpak din dahil sa kabuktutan ng kanilang mga subordinates.



Sa datos na nakalap ng SIKRETA sa PNP Headquarter sa Camp Crame, hindi magpapatalo si Col. Belmonte sa mga colonel na may maningning na police career lalo kung pag-uusapan ay ang mga accomplishment nang ito ay natalaga sa PNP Special Action Force (SAF) at Highway Patrol Group (HPG).

Isang bagay na sa tingin ay magpapabagsak sa kanyang liderato ay ang nakaambang kabiguan nito sa kampanya laban sa paihi o buriki (oil and petroleum pilfirage) at ibat ibang uri ng illegal gambling na siyang kalimitang prente ng drug trade sa limang siyudad at 29 na munisipalidad ng lalawigan ni Marcos Loyalist Governor Hermilando “Dodo” Mandanas.

Ika nga ng maraming residente sa mga nabanggit na siyudad at bayan ng bahaging ito ng Timog Katagalugan, tila BULAG, PIPI at BINGI sa mga reklamo ng kanilang mga pinaglilingkurang mamamayan ang marami sa police chief ng butihing colonel hinggil sa pagkakaroon ng apat na malalaking paihian o burikian sa lalawigan ng Batangas bukod pa sa nagkalat na sugalan sa area of responsibility (AOR) ni Col. Belmonte.

Pagkat karamihan sa mga hepe ng kapulisan ng matikas na colonel ay mga BULAG, PIPI at BINGI sa nangyayararing kailigalan sa kani-kanilang hurisdiksyon kung kaya’t resulta nito ay mistulang naililigaw, nabubulag at hindi nakakarinig sa mga tunay na nagaganap sa kapaligiran si Col. Belmonte.

Pangunahing halimbawa dito ay ang patuloy na pamamayagpag ng mga paihian o burikian ng magkasosyong Rico at Ed sa Brgy. Bulihan sa bayan ni Malvar Mayor Crestita Reyes na di naman inaaksyunan ni Police Chief Major Jonathan S. Amutan; ang paihian o burikian din sa bayan ng Calaca, Lemery at Mabini na di masawata nina Calaca Police LtCol. Eduardo Balita, Lemery Police Chief Maj. Gerry Abalos at Mabini Police Chief Maj. Mickglo Marinas.



Bukod sa paihian nina Rico at Ed sa Malvar ay may mga pasugal pa si Glenda na drug pusher sa Brgy. Santiago ng naturan ding bayan. Sa munisipalidad ng Mabini bukod sa paihian ay may operasyon din ng STL-con jueteng o bookies si Timmy ngunit dedma din ito kay Maj. Marinas.

May 34 na STL bookies at STL-con droga operator sa syudad ng milyonaryo nang si Tanauan City Mayor Sonny Collantes, ngunit tila nakagapos ang kamay, di umaaksyon at di maipahuli ni Police Chief LCol. John Rellia ang mga iligalista sa kanyang AOR.

May kinalaman kaya ang napaulat na Php 1.5 milyon na weekly intelhencia ng isang city hall official at Php 1.5 milyon na lingguhang tara sa Provincial Police office mula sa mga gambling con drug lord na sina Ocampo, Ablao, Dimapilis, Biscocho, Ms. Bagsit, Gerry at iba pa kung kayat “gapos” ang dalawang kamay ni LtCol. Rellian?

Tiyak na malalagay din sa balag ng alanganin ang liderato ni Col. Belmonte dahil sa di matigil-tigil na operasyon ng tatlong saklaan sa bayan ni Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera na matatagpuan sa Brgy. Sambat sa bahay ng isang Villestas, Malvar Street at Brgy. Payapa, at maging ang talamak na pa-jueteng o STL-con bookies ng drug trader na sina Tisoy at Nonit sa 18 barangay ng naturang munisipalidad.

Dahil mistula ngang BULAG, PIPI at BINGI ang Police Chief na si Major El Cid Villanueva kaya parang nangangapa din sa dilim, walang naririnig at naaamoy si Col. Belmonte.

Dalawang pasugalang ala mini casino ang operasyon ng nasa tabi lamang ng Lian Public Market sa pinaka-pusod ng bayan nina Lian Mayor Josep Peji at local Police Chief Major Jeffrey Dallo ang ipino-protesta ng mga relihiyoso at sibikong mamayan ng Lian.

Pinalutang ng mga kilalang kapanalig sa pulitika ni Lian Mayor Joseph Peji na NPA commander daw ang operator ng pasugalang may bilyaran at madyungang milyones ang pustahan, bukod pa sa may malakihang tayaan na color game, sakla, cara y cruz at iba pang pasugal.

Ngunit sa dakong huli ay hindi pala NPA at nabunyag na bukod sa ginagasgas ng operator nito ang pangalan ni Mayor Peji ay ipinagyayabang pang may padrino sila sa Batangas PNP Provincial Headquarter sa Camp Miguel Malvar, Batangas City. Kailangang tuklasin ni Col. Belmonte ang misteryong ito sa Batangas PNPO?

Kaya naman tameme lang sina Mayor Peji at Maj. Dallo sa kabila ng kaliwa’t-kanang reklamo laban sa operasyon ng naturang iligal na pasugalan? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.