Advertisers

Advertisers

Buking ni Ara…Cristine ‘missing in action’ ‘pag inlab; Alden inisnab ang showbiz anniv ni Maine

0 155

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAG-celebrate si Maine Mendoza ng kanyang eight anniversary sa showbiz.
Unang nakilala si Maine bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga noon kung saan nagkaroon sila ng kalyeserye ni Alden Richards.
Nag-klik ang kanilang tandem na AlDub Nation.
Kahapon, July 7 ay sinelebreyt ni Yaya Dub ang kanyang 8th anniversary with EAT Family.
Marami ang naghanap sa prisensya ni Alden.
Sey ng netizens: “Grabe wala man lang si Alden. Ano kaya nangyare sa kanila she seem to despise him. Walang Yaya Dub kung wala si A.”
“Anniv nya kasi bat nasali si Alden? At obvious na hater ka ni Alden. Nag hahanap ka lng ng negative comments kay alden dito”
“ni-repost nya lng yung collage ng photo nya ng isang IG user.. hndi sya ang gumawa ng photos… ask mo sya at ang dabarkads bakit wala si alden”
“Alden seems to chase women and never follow through – seems to have happened to others linked to him in the past? Maybe theirs got complicated because their love team was hard core. Maybe that could have caused a rift? But aren’t they okay now? They’re both happy.”
“I used to like YD before, pero si Maine unang nanlaglag kay YD. Akala niya at the early stage puede na siya without YD or Aldub. Naging selfish din siya together with her management. Kaya naman 8 years na rin nagstagnate career ni Maine.”
“”maingat na silang dumidistansya sa isat isa kasi ikakasal na si Maine, ayaw na i encourage yung pakilig aldub eme. Kung naiilang man sila sa isat isa it is the fault of fans na laging pinupuna at nilalagyan ng hidden meaning bawat kuyog nila.”
“Actually, naging boring din si Yaya Dub nung sila pa lng ni Lola Nidora.. Yung partnership talaga nila ni Alden Richards yung talagang pumutok. Pareho silang nobody kaso si Maine after 2 weeks alisin na sana kasi boring na pero naisipan nila si Alden ipasok kasi hindi dumating yung dapat na uupo sa harap ni Maine. Swerte nilang dalawa kahit kay Alden medyo natagalan lang sa showbiz bago nakuha kiliti ng masa.”
***
ICE NAKA-KOREAN DRESS VIRAL
VIRAL ang video ni Ice Seguerra kung saan naka dressed up siya na isang Koreana.
Ibinahagi ni Ice ang kanyang amusing video on his social media page –
Ang caption ng singer, “As a pretty gurl in Korea.”
Naaliw ang netizens sa video ni Ice kung saan nag-viral ito dahil nakasuot siya ng girly outfit.
Nagsayaw din siya habang naka-heart sign ang kanyang kamay while flaunting the cute outfit.
Komento ng netizens: “Hala Kuys ang kyut! Hahahah”
“Little Miss Philippines my idol”
“hahah ang cute. Hindi po kayo tumatanda, parang pabata pa.”
Si Ice ay proud member ng LGBTQA+ community at legal silang kasal ni Liza Diño na ginanap sa California, USA noong December 8, 2014.
***
MAY panawagan si Ara Mina sa kanyang younger sister na si Cristine Reyes.
Ayon kay Ara, “missing in action” daw ang kapatid every time na in love raw ito.
In a relationship kasi ngayon ang kanyang kapatid sa actor na si Marco Gumabao.
Sa isang panayam sa aktres, masaya raw siya sa current relationship ng kapatid.
Aniya pa, baka raw si Marco na ang another “Dave” para sa nakababatang kapatid.
Si Ara ay kasal sa public servant na si Dave Almarinez.
Ayon kay Ara, the last time na nagkita sila ni Cristine ay noon pang December last year.
May mga family gatherings daw sila nitong mga nakaraang araw pero lagi raw “no show”ang kapatid.
Na-meet na ni Cristine ang family ni Marco.
Ani Ara, “Willing naman kami, kumbaga, ‘yung family ko, willing makilala si Marco, it’s just that, hindi pa niya ipinapakilala. O, eh it’s her choice.”
Dagdag pa ng beteranang aktres, “Ganyan ‘yan ‘pag super in love, eh. Parang wala, missing in action sa family.”
Nag-message raw siya sa kapatid. “I’m just telling the truth. Hoy AA (tawag kay Cristine), ‘wag ka magalit. It’s true. Pero okay lang kung ano. At least, magpakita ka lang din kay Mommy, sa Daddy,” panawagan ng aktres sa kapatid.