Advertisers

Advertisers

Kimson bet makatrabaho si Kim

0 212

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BAGONG iidolohin ang Chinito charmer na si Kimson Tan.
Katunayan, bilang isang dating basketball star ng UST, taglay niya ang tangkad at looks ng isang matinee idol.
Ayon kay Kimson, bet daw niyang makatrabaho si Kim Chiu.
Dagdag pa niya, feeling daw niya ay magkakaintindihan sila ng actress dahil pareho silang nagsasalita ng Fookien at Mandarin
Kahit banta sa Chinito actors like David Licauco at Xian Lim, ayaw daw niyang makipagkumpetensiya sa mga ito.
Ang maipagmamalaki lang daw niya ay ang kanyang work ethic na sa palagay niya ay magdidikta ng staying power niya sa showbiz.
Excited na si Kimson na simulan ang horror movie na “The Vigil” na iproprodyus ng Obra Cinema ni Enrico Roque at ididirehe ni Adolf Alix, Jr
Sa movie, gagampanan niya ang papel ni Kit, ang lider ng isang grupo ng mga kalalakihan na masasangkot sa ritwal ng isang lihim na organisasyon.
Kasama niya sa cast sina Will Ashley, Joaquin Manansala, Bruce Roeland, Carlo San Juan, Arjay Anson, Prince Carlos, Abed Green at Faye Lorenzo.
Bukod sa “The Vigil”, si Kimson ay bida sa international movie na “King of Hawkers” na kinunan pa sa Singapore.
Nagsimula rin siya sa BL movie na “In Between” at kasalukuyang napapanood sa seryeng “Voltes V: Legacy.”
Nasa cast din siya ng sitcom na 24/7.
Ilan pa sa acting credits niya ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters Happy Times, Daddy’s Gurl at Daig Kayo Ng Lola Ko.
***
Mga kalahok sa Cinemalaya 19, inanunsyo na
Inanunsyo na ng Cinemalaya Foundation ang mga kalahok sa ika-19 na edisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon.
Sa full length film category, pasok ang “Ang Duyan ng Magiting” ni Dustin Celestino, “As If It’s True”ni John Rogers, “Bulawan nga Usa (Golden Deer) ni Kenneth De La Cruz, “Gitling” ni Jopy Arnaldo, “Huling Palabas” ni Ryan Machado, “Iti Mapukpukaw (The Missing)” ni Carl Joseph Papa, “Maria”ni Sheryl Rose Andes, “Rookie”ni Samantha Lee, “Tether” ni Gian Arre, at “When This Is All Over” ni Kevin Mikhail Mayuga.
Sa short film category naman ay magtatagisan para sa Balanghay trophy ang “Ang Kining Binalaybay Kag Ambahanon Ko Para sa Imo (These Rhymes and Rhythms Meant for You) ni Kent John D. Desamparado, “Golden Bells” ni Kurt Soberano, “Hinakdal (Condemned)” ni Arvin Belarmino, “HM HM MHM nina Sam Villa-Real at Kim Timan, “Kokuryo: The Untold Story of Bb. Undas 2019” ni Diokko Manuel Dionisio, “Makoko Sa Baybay (I Am Going To the Beach) ni Mike Cabarles, “Maudi Nga Arapaap (Last Dream) ni Daniel Magayon, “Sibuyas ni Perfecto (Perfecto’s Onion) ni Januar Yap,”Sota (Horse Caretaker)”ni Mae Tanagon at “Tong Adlaw Nga Nag-Snow sa Pinas(The Day It Snowed in the Philippines)” ni Joshua Caesar Medroso.
Ang mga kalahok sa Cinemalaya ay mapapanood sa Philippine International Convention Center, Ayala Malls Manila Bay, Glorietta Makati, Trinoma Quezon City at Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) mula Agosto 4 hanggang 13, 2023.