Advertisers
WALANG ekstensyon sa deadline sa pagkuha ng License to Operate (LTO) at Certificate of Registration (COR) sa ilalim ng LPG Industry Regulation Act.
Ipinababatid sa publiko na ang July 7, 2023 deadline na isinasaad ng Section 24 ng LPG Industry Regulation Act at ipinatutupad ng Section 39.1 ng Department Circular No. DC2022-11-0037 o mas kilala bilang “Guidelines on the Registration and Issuance of License to Operate to Qualified DOE-Regulated LPG Industry Participants and Penalizing Certain Prohibited Acts” na matatapos na sa anim na buwang transition period para sa lahat ng LPG participants na nagnegosyo ng LPG mula nang maging epektibo ang LTO Guideline noong January 7, 2023 ay mahigpit na ipatutupad.
Ito ay alinsunod sa legal opinion na inisyu ng DOE Legal Services nitong July 6, 2023.
Batay sa Section 39.1 ng Department Circular No. DC2022-11-0037, lahat ng umiiral na Standards Compliance Certificate (SSC) ay magiging walang bisa matapos ang July 7, 2023.
Kaugnay nito, lahat ng DOE-regulated LPG industry participant na magpapatuloy ng negosyo sa LPG industry na walang LTO at COR ay lumalabag at mapaparusahan alinsunod sa LPG Industry Regulation Act.
Hindi naman pinipigilan July 7 deadline ang sinumang aplikante na magsumite ng LTO and COR application. Patuloy na tatanggap ang DOE ng mga aplikasyon.
Sa iba pang impormasyon sa proseso ng aplikasyon, maaring bumisita sa website www.doe.gov.ph o kumontak sa Retail Market Monitoring and Special Concerns Division of the Oil Industry Management Bureau sa 8840-2130 o 8479-2900 local 376.
Kaugnay nito, sinuportahan ni dating LPGMA Partylist Representative Arnel Ty ang istriktong pagpapatupad ng RA 11592, LPG Industry Regulation Act. Ang landmark legislation, na nilagdaan bilang batas noong 2021 ay nag-aatas sa lahat ng LPG industry participants ng License to Operate para matiyak ang mahigpit na pagtupad sa mga safety standards at regulasyon.
Bago ito isinabatas, nagpalabas ang Department of Energy (DOE) ng Circular noong 2014, nakalista ang mga alituntunin at regulasyon na gagabay sa LPG industry, na kinabibilangan ng mga requirement sa lahat ng industry players na kumuha ng Standards Compliance Certificate (SCC) bago mag-umpisa ng negosyo.
Binigyang diin pa ni Ty ang kahalagahan ng pagsunod. “Ang mga grupong mabibigong tuparin ang mga simpleng requirements tulad ng BIR Registration, Business Permits, at Fire Safety Inspection Certificates (FSIC) ay inilalagay sa alanganin ang kanilang operasyon pati na integridad ng buong industriya.”