Advertisers

Advertisers

Sharon napatunayang mahusay na aktor si Alden

0 194

Advertisers

Ni MELCHOR BAUTISTA

HINDI nagpapaapekto si Sharon Cuneta sa kanyang mga basher na nagsasabing mayaman na siya, sumikat na, kumita na sa paggawa ng pelikula. Wala nang dapat patunayan bilang artista, kaya puwede nang mag-enjoy sa buhay at iwan ang showbiz.
Katuwiran ng Megastar, ang showbiz kapag nasa sistema at minahal mo na, hindi pera-pera lang ang usapan para kumita. Mahal niya ang showbiz at pag-arte, kaya artista pa rin siya hanggang ngayon at hangga’t kaya pa niyang maging artista.
Muli na namang busy si Sharon dahil bida sila ni Alden Richards sa pelikulang “A Mother And Son’s Story” ng Cineko Productions, masarap isipin para sa magaling na aktres na may bago sa muli niyang pagharap sa kamera sa mga gagawing eksena.
“Sobrang aliw lang, at nagpapasalamat ako na may bago talaga sa new project na ito na matanggap ko. Si Alden ‘yong bago,” masayang wika ni Sharon.
Sa ilang dekada na raw niya sa showbiz, akma sa panahon at sa edad, naghahanap na talaga siya ng kung ano ang mga bago sa mga tinatanggap niyang proyekto. Si Alden, bukod daw sa sikat na sikat na aktor ngayon, noon pa niya naririnig ang usap-usapan sa showbiz, na mahusay daw na aktor kumpara sa mga kapanabayan nitong kabataang artista. Ngayong nagkasama na sila, napatunayan niyang totoo ang mga papuri kay Alden.
Bilang paghanga at respeto sa kapwa artista ay naroon ang pagkilala ni Sharon sa popularity ni Alden. Wala na ngang dapat pang patunayan si Sharon sa showbiz. Pero sa pag-asam ng mga bagong pelikula na gusto pa niyang gawin, parang suntok na lang daw sa buwan na maituturing kung may posibilidad pang matuloy na makasama pa niya sa project ang sino man kina Nora Aunor at Vilma Santos.
***
CONSISTENT sa kasipagan si Barbie Forteza. Sa paggawa ng pelikula at teleserye ay sipag at propesyunalismo ang kanyang panlaban.
Pagbibiro nga raw ng cute na young actress ay dinadaan na lang niya sa idlip na konting pahinga ang bawat pagod na sa palagiang trabaho.
Hindi rin mayabang na artista si Barbie kapag tinatanong kung ano ang sekreto ng kanyang pagiging isa sa paboritong artista ng GMA-7, dahil kapag natatapos ang kanyang teleserye ay laging mayroon na agad planong kapalit na serye na siya ulit ang bida.
Siya rin kasi ang bibida sa teleseryeng “Maging Sino Ka Man” kapareha si David Licauco. Ito ‘yong dating pelikula na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Dahil sa laki ng nasabing project, sinasabing kung si Marian Rivera ang Reyna ng Kapuso Network, si Barbie naman daw ang Prinsesa!
“Naku, nagtatrabaho lang po. Nagsisipag lang po. May ipinapagawa po akong dream house ko para sa family namin,” masayang pag-iwas ni Barbie sa mga pagpuri sa kanya.
***
PATULOY na nagiging bahagi ng muling pagbabalik-sigla ng showbiz ang National Artist at Superstar na si Nora Aunor. Ganado talaga siyang mag-shooting, lalo na kung wala siyang problema sa health.
Inspirado siyang magtrabaho dahil na rin sa sunud-sunod na matxgagandang nangyari kamakailan sa personal niyang buhay. Naging maayos ang relasyon nila ng kanyang pamilya. Natuldukan na ang mga alitan at matagal na tampuhan.
Bago matapos ang buwan ng Hulyo, si Guy ay magsisimula ng shooting ng isang malaking project. Ito ay ang “Bukod Kang Pinagpala” mula sa Manic Media Productions, Inc. Kung saan, ang Executive Producer ay ang sinasabing bagong Mother Lily ng showbiz.
Bilang institusyon na sa showbiz, happy ang Superstar na may katulad ni Madam Edith R. Fider na nagpaparamdam ng pagpapahalaga sa pagpoprodyus ng mga pelikula. Ilang magkakasunod na pelikula na ang kanyang naiprodyus. Marami siyang pelikula na nakaplanong iprodyus. Isa ang bagong movie ni Nora sa pinakabongga niyang project. “Marami pa tayong planong gawing pelikula. Mas maraming magagawang pelikula, mas masaya,” sey ni Madam Edith.