Advertisers
HINDI naipagpatuloy ng Philippine men’s volleyball team ang kanilang two-game winning streak sa 2023 Men’s Asian Volleyball Challenge Cup.
Winalis ng Bahrain ang Filipino spikers, 20-25,17-25,23-25,Miyerkules sa University of Taipei Hall sa Taiwan.
Ang kanilang talo sa Final 12 ang humadlang para makapasok sa quarter final stage ng tournament.
Dahil sa talo, ang Pilipinas ay bumababa sa classification phase para sa 7th to 12th places.
Habang ang Bahrain ay hihintayin ang mananalo sa laban sa pagitan ng Australia at Macau.
Bago natalo, ang Pilipinas ay nagwagi ng dalawang dikit na laban sa Pool D.
Winalis ang Macau,25-21,15-25,25-14, sa kanilang unang laban sa tournament, sinundan ng five-setter kontra Mongolia, 22-25,25-21,26-24,22-25,15-12.