Advertisers

Advertisers

Benjamin excited na sa kasal sa Chinese gf sa January 2024

0 185

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

EXCITED na si Benjamin Alves sa kasal nila ni Chelsea Robato sa January 2024.
“Ako excited naman ako, pag napag-uusapan yung mga schedules, mga kulay, dun ako medyo nalulula kasi ang dami nga palang preparations, but we have a really great wedding coordinator, si Kim Torres.”
Pero hands-on din sila ni Chelsea sa kasal nila.
“Yeah, si Chelsea super hands-on, so Chelsea talaga it’s her day.”
Gusto nilang magkaroon ng baby agad after?
“May plano na po, hindi ko lang po gustong sabihin kung kailan but may plano naman po, pero may specific…bilang Chinese si Chelsea, may specific kung anong year ang mas maganda.”
Mahilig si Benjamin sa bata.
“Yeah!”
Si Chelsea?
“Yeah, I think we’re both ready, I think we’re both excited for it, yun naman po yung goal namin, kaya hopefully maka-find kami ng time after the wedding na makapagpahinga, para makapag-honeymoon nang maayos.”
Maayos lahat sa Chinese parents ni Chelsea?
“Yeah, me and Chelsea’s mom are great, yun ang tawag ko sa kanya, so wala pong nagiging problema. I think it helps that Chelsea is an only child, so parang ako yung anak na lalake na wala siya, so we’re great.”
May bahay na rin silang napatayo?
“Yeah, meron na po kami ni Chelsea, okay na.”
Mahirap ba kay Benjmain na “magpigil”?
Matagal na ang relasyon nila, at ikakasal naman na din sila pero wala pa silang anak; ang iba kasi nagkaka-baby muna bago ikasal.
“Wala naman, wala naman. Again baby is a blessing, so kung mangyayari siya mangyayari siya, but I don’t think it’s in our story na mauna yung baby.
“But if it does, you know, it happens to everybody, okay lang naman yun kasi dun din naman kami pupunta, so ngayon wala na kaming ito dapat mauna or ito dapat.”
Furparents din naman sila ni Chelsea; ilan na ba furbabies or pet dogs nila?
“Tatlo na, yung nanay si Nala, tapos yung magkapatid si Loomi tsaka Teddy, pag nagka-anak kami apat na anak namin,” at tumawa si Benjamin.
“Lumiliit na nga yung ano e, bumili kami ng mas malaking bed kasi nga talagang natutulog sila sa kuwarto e, e lumalaki na sila nang lumalaki.”
Napapanood si Benjamin sa Magandang Dilag bilang si Eric sa GMA Afternoon Prime.
***
MASAMANG tao at walanghiya si Moira Tanyag na buong husay na ginagampanan ni Pinky Amador sa Abot Kamay Na Pangarap.
Nangyari na ba na kinausap ni Pinky ang mga writers ng AKNP at sinabing medyo pabaitin naman si Moira at huwag gawing sobrang walanghiya?
“Kasi parang instead of bago ko siya tanungin, because valid naman yung tanong na yun e, bago ko siya tanungin iniisip ko yung big scope, the big picture, di ba?
“Kasi parang ako na lang yung tumatayo na talagang all-out criminal, criminal na, because all the others like even my daughter, ano din, may side din na mabait siya, na naaawa siya, or minsan parang napipilit ko lang siya, ganun, so everybody still has a human side to them.
“I mean even Moira does, pero parang ako na yata yung tumatayong parang pinaka-kontra sa kanila, I’m the anti-thesis of the morality of the show, so parang tinanggap ko na lang, kasi if not me, who?”
Napapanood sa GMA Afternoon Prime mula Lunes hanggang Sabado, bida sa Abot Kamay Na Pangarap sina Jillian Ward (bilang Dra. Analyn Tanyag), Carmina Villarroel (bilang Lyneth Santos), Dina Bonnevie (bilang Gisellle Tanyag) at marami pang iba, sa direksyon ni LA Madridejos.
Sa mga hindi nakakaalam, bukod sa pagiging aktres sa telebisyon, pelikula at teatro ay isang drama teacher si Pinky.
Naging head siya ng drama department of Mint College [2011 -2015].”
Lumipat si Pinky sa Thames International kung saan kumuha siya ng kursong Innovative and Creative Enterprise at nagturo ng Basic Acting and Performance Arts.
“I was able to form my own start-up [Amador Creative Concepts]. I give workshops to groups, individuals, organizational workshops. I am teaching basic acting and performance arts.
“We are a mission-based cultural, educational workshops to companies, organizations and individuals.”
May speaking engagement si Pinky, sa ilalim ng kanyang Amador Creative Concepts, bilang resource person at lecturer sa Likha Creative Summit sa September 21 sa Crowne Plaza Hotel.
Nagtuturo rin siya ng Theater Acting matapos kumpletuhin ang kanyang Master’s Degree in Theater sa United Kingdom sa pamamagitan ng isang scholarship mula sa British Council.
Nag-aral din siya sa Bristol Old Vic Theater School na affiliated sa University of West England.
Ang namamahala ng showbiz career ni Pinky ay si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit.