Advertisers
ARESTADO ang dalawang babae at isang lalaki na pawang mga “High Value Individual” at nakumpiskahan ang mga ito ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P.6 million sa isinagawang anti-drug operation ng mga pulis sa Taguig City nitong Lunes.
Hindi muna pinabanggit ng director ng Southern Police District (SPD) na si Police Brigadier General Kirby John Brion Kraft ang pangalan ng mga suspect dahil nagsasagawa pa sila ng follow-up operation sa iba pang mga kasamahan nito.
Sa report, 5:00 ng hapon nang maaresto ang dalawang babae at isang lalaki nang pinagsanib puwersa ng SPD, Taguig City Police, PDEA at PNP Maritime Group sa Barangay Central Signal, Taguig City.
Na-recover mula sa mga nadakip na suspect ang shabu na nasa 100 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P680,000.00.
Nabatid na itinuturing na HVI ang mga suspect at hinahanting na rin ang iba pang kasamahan ng mga ito.(Gaynor Bonilla)