Advertisers

Advertisers

Mababang sueldo, rason ng pangingibang bansa ng nurse

0 167

Advertisers

ANG tanging rason ng pangingibang bansa ng Filipino nurses ay ang kakarampot na sueldo at benepisyo nila sa Pilipinas.

Mantakin mo sa private hospital, ang mga nurse ay sumusueldo lamang ng P20,000 hanggang P30,000 a month. Tapos kakaltasan pa ito ng buwis, SSS, at kung anu-ano pa. Ang nate-takehome nga nila mula sa sahod na P20K a month ay P8K nalang sa kinsenas, or P13K (kinsenas) sa sumasahod ng P30K.

Sa take home pay nilang ito, may matitira pa ba kung sila ay nangungupahan ng bahay? Sa bill lang ng tubig at kuryente, pamasahe sa pagpasok at pagkain araw-araw ay kapos na ang isang buwan nilang income. Paano pa kung may dalawa hanggang tatlong anak na nag-aaral? Gutom!



Kaya nga yung 2 anak kong nurse ay umalis nalang sa ospital at nag-employ sa medical call center na medyo malaki ang suweldo. At naghahanda narin sila sa pangingibang bansa dahil nga ang sahod ng nurse dito sa Pilipinas ay apat na doble ng nurse abroad.

Sa Dubai, United Arab Emirates, ang average salary ng nurse ay AED 10,000 per month equevalent to P140K kung tig-P14 ang palitan ng Dirham. Eh nasa P14.99 ang palitan ngayon ng 1 Dirham.

Sa United States, ang average ng hourly pay ng nurse ay $36.43, equevalent to P1,980 kung tig-P55 ang palitan. Kapag nagtrabaho ka ng walong oras kada araw, sa loob ng isang buwan ay halos P500K ang income mo. Bukod dito ay napakaganda pa ng mga benepisyo.

Dito sa Pililipinas, napakaliit na nga ng suweldo, kakarampot pa ang benepisyo, tapos iniipit pa ng mga opisyal. Tama ba ako Health Secretary Ted Herbosa?

Kaya kahit anong gawing pakiusap ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. sa ating mga nurse na huwag mangibang bansa ay hindi niya sila mapipigilan dahil nga may mga pamilya rin silang binubuhay at gustong magkaroon ng magandang buhay.



Mabuti silang nasa puwesto, daan daang libo ang suweldo, bukod pa sa milyones na kickback sa mga proyekto.

Sa totoo lang, mga pare’t mare, walang nurse na gustong mangibang bansa, malayo sa kanilang pamilya, kung maayos lang ang income dito sa Pilipinas.

Mantakin mo, ang tuition ng nursing student ngayon ay umaabot ng P80K per semester, hindi pa kasama rito ang mga training nila. Tapos ‘pag naging registered nurse ay susuwelduhan lamang ng P20K! Asan ang hustisya?

Kung seryoso ang gobyerno na panatilihin sa bansa ang ating mga nurse, bigyan sila ng starting salary P50K a month pati sa pribado. Yes! Kapag nangyari ito, siguradong iilan nalang ang nurse na lalabas pa ng Pilipinas.

Say nyo, Senate President Migz Zubiri at House Speaker Martin Romualdez?

***

Nag-leave of absence si Tourism Secretary Cristina Garcia-Frasco kasunod ng kontrobersiya ng kanilang promotional video na kuha sa ibang bansa.

Mas bibilib tayo kay s Frasco kung magbitiw nalang siya.