Advertisers
Target ng Commission on Elections (Comelec) na ipawalang-bisa ang national voters’ list para ganap na mabura ang ghost voters at multiple registrants.
Kaugnay nito, nananawagan si Comelec chairman George Erwin Garcia sa mga mambabatas na mapawalang- bisa ang buong listahan ng mga botante kabilang ang mga nananatili sa ibang bansa kasabay ng pagbibigay-diin ng pangangailangan ng maging back to zero upang ma-improve pa ang kasalukuyang sistema.
Ayon pa sa Comelec chairman, ang pinakalumang record ng biometrics ay mula pa noong 2003.
Dalawang dekada na aniya ang listahan at inamin pa ni Garcia na mahirap na para maberipika pa ang pagkakakilanlan ng mga botante.
Kayat kapag napawalang- bisa aniya ang listahan ng mga botante at nagsagawa ng general registration ng mga botante sa paghahanda sa 2028 elections, maa-update din ang database ng Comelec.
Sa datos noong Hulyo 10, nasa 415, 433 multiple registrants ang tinanggal na ng Comelec kung saan karamihan ay sa National Capital Region.
Ang tanong,bakit ngayon lang ito ibinunyag ng Comelec at di pa noon bago pa man ang May 9,2022 presidential elections?
Ibig bang sabihin, kuwestiyonable ang resulta ng nagdaang 2022 national elections na nagluklok sa poder kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ngayong ang Comelec na mismo ang nagsasabi na kailangang ayusin at linisin ang national voters’ list,ano ang ibig sabihin nito?
Walang kredibilidad at may lambong ng katiwalian at dayaan ang ginanap na halalan noong 2022?
Ibig sabihin ba,na-hocus picos talaga ang resulta ng Eleksyon 2022?
Ibig bang sabihin,walang kredibilidad ang naging resulta ng 2022 presidential elections dahil sa rigged o maraming ghost voters at registrants na naka- boto at nabilang ang boto pabor kay Marcos Jr.?
Comelec Chairman George Garcia,pakipaliwanag naman ng husto please.
Nagkaroon tuloy ng agam- agam ang mga Pinoy sa legitimacy nang nakaupong presidente ng bansa!
Mukhang maiipit nang husto si Chairman Garcia sa rebelasyon nyang ito.
Remember,si PBBM ang nagluklok sa kanya bilang chairman ng Comelec right after ng May 2022 elections.
Ano sa palagay nyo bayang bobotante este botante pala!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com