Advertisers

Advertisers

Pulis, 1 pa huli sa P.5m ismagel yosi

0 107

Advertisers

ARESTADO ang isang pulis at kasabwat nito sa pinaigting na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga smuggler nang makuhanan ng smuggled na sigarilyo noong nakaraan linggo sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang mga nadakip na sina Police Corporal Ladja Abdul Michael Taulani, 36 anyos; at Brown Edward Aquino Charlies, 28, ng Barangay Culo, Molave, Zamboanga del Sur.

Ayon sa CIDG field unit, nakatanggap sila ng report hinggil kay Taulani at ng kanyang mga kasamahan na nagbebenta ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur.



Agad inilatag ang operasyon laban sa mga suspek katuwang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Health (DOH).

Nakumpiska sa mga suspek ang 16 kahon ng Astro (Red) na sigarilyo na nagkakahalaga ng P560,000, isang pistola na may dalawang magazine assemblies at 25 basyo ng bala, 2 kotse, at marked peso bills.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 8434, “Tax Reform Act of 1997”, at Republic Act 10643, “Health Graphic Warning Law”.

Sinabi ni CIDG director Major General Romeo Caramat Jr. na maaari rin maharap si Taulani sa kasong administratibo dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">