Advertisers
HINDI nakayanan ang matinding amoy dahilan upang ma-suffocate ang dalawang trabahador ng Seponing at tuluyang malunod ang mga ito sa nililinis na septic tank ng isang Restaurant sa lungsod ng Tagaytay Miyerkoles ng madaling araw sa Brgy. Silang Crossing West Tagaytay City, Cavite.
Hindi na naisalba pa ang buhay ng dalawang biktima na nakilalang sina Juluis M. Bitoon, 40 anyos may asawa, residente ng Park Lane Subd. Brgy San Francisco Gen. Trias; at Jhon Mar Avellada Agaton, 31 anyos, driver, residente ng Park Lane Subd. Brgy San Francisco Gen. Trias ng lalawigang ito.
Sa imbestigasyon ng Tagaytay Police, 12:00 ng madaling araw ng maganap ang insidente kung saan nagsasagawa ng paglililnis ng septic tank ang dalawang biktima sa Balay Dako Restaurant sa Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City.
Ayon kay Police Sergeant Wilfredo Barican ng sector 3 Tagaytay Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa nasabing restaurant hinggil sa insidente ng pagkalunod sa septic tank nito.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, unang bumaba ang biktimang si Bitoon sa septic tank subali’t minuto pa lamang humingi na ito ng tulong hinggil sa hindi na makahinga.
Agad itong tinulungan ng kasamahan na si Agaton subali’t, kapwa na suffocate ang mga ito at tuluyang nahulog sa septic tank at nalunod.(IRINE GASCON)