Advertisers

Advertisers

8 arestado sa P2.8M ismagel hot meat sa Bulacan

0 100

Advertisers

Arestado ang walong katao na nahuli sa akto habang inilalabas mga smuggled meat products sa ikalawang cold storage sa Buston St. Industrial Subd. Brgy, Iba Meycauayan City.

Kasunod nito’y agad nagsagawa ng inspection ang mga tauhan ng Bureau of Customs, Department of Agriculture at National Meat Inspection Service, City Veterinary Office at mga pulis.

Tinatayang aabot sa P2.8 milyong halaga ng imported na smuggled na karne ng baboy, manok at baka ang nakita sa cold storage.

Natukoy ang warehouse sa pamamagitan ng CCTV kung saan 2:00 ng madaling-araw nitong Huwebes ng makitang ipinupuslit ang mga frozen meat products gamit ang refrigerated van.

Sa inisyal na report ng City Veterinary Officer Dra. Imee Arguelles, ang unang cold storage sa Atlanta St. kung saan na diskubre ang P35M na halaga ng imported na karne, at pangalawa sa Buston St. na pag-aari umano ng isang alyas Rehan Co, na kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis.

Aniya, walang kaukulang business permit ang negosyo ng nasabing chinese national.

Nabatid na hinuhugasan ang mga frozen products at pinapalitan ang mga pakete at expiration date na ibinebentang muli sa mga parukyano nito.

Nagmula ang nasabing produkto bansang India at Germany, dadalhin ang mga karne sa isang lugar sa bayan ng Bustos Bulacan para ibaon sa lupa.

Samantala, pinigil ngayon sa presinto ang 8 katao na trabahador ng isang trucking company na ginamit sa pagpupuslit ng frozen products.(Thony D. Arcenal)