Advertisers

Advertisers

Cabang sumulong sa 110m hurdles finals ng Asian Championships

0 158

Advertisers

SUMULONG ang Fil-Spaniard John Cabang sa men’s 110-meter hurdles finals upang pamunuan ang Team Philippines Huwebes ng umaga, Hulyo 13, sa 2023 Asian Athletics Championship sa Bangkok,Thailand.

Ang 22-year-old national rekord holder may oras na 13.70 seconds para makisosyo sa toktok ng standings sa Japanese Shunya Takayama para sa spot sa medal round na nakatakda sa Biyernes, Hulyo 14.

Cabang at Takayama ay sasamahan ang kapwa qualifiers na binubuu nina reigning Southeast Asian Games champion Natthaphon Dansungnoen ng Thailand, Kazakhstan’s Yefremov David, Kuwait’s Yaqoub Alyouha, China’s Ning Xiaohan at Xu Zhouyi at Japan’s Taiga Yokochi.



Gayunpaman, Clinton Bautista, ay hindi na qualify matapos maorasan ng 13.99 seconds para sa fourth place sa kanyang heat.

Samantala, kasalukuyang nakipagtagisan sina Tokyo Olympian Kristina Knott sa women’s 100m at Ronne Malipay sa men’s triple jump.

Sa Biyernes, six time SEAG champion Eric Cray ay puntirya ang gold medal at spot sa 2024 Paris Olympics kapag sumabak sa preliminaries ng men’s 400m hurdles kasama ang reigning SEAG gold medalist Janry Ubas sa men’s long jump, William Morrison sa men’s shot put, Sarah Dequinan sa women’s heptathlon, Joida Gagnao sa women’s 3000m steeplechase at Natalie Uy sa women’s pole vault.